Wednesday, November 25, 2009

Byaheng Cubao

Cubao - sentro ng komersyalismo sa QC; isa sa pinakabusy na lugar sa Pilipinas. Nandiyan ang Farmers Plaza, Araneta Coliseum, Fiesta Carnival at mga terminal ng bus ng iba’t ibang probinsya mapaNorte man o Timog Luzon. Ngunit sa pagtakbo ng panahon unti-unting nawalan ng kinang ang ilang sikat na pasyalan sa lugar. Nalaos ang Farmers Plaza at inagaw ni Henry Sy ang trono sa pagkalat ng SM hindi lang sa buong Maynila kundi sa buong bansa. Ang Fiesta Carnival na dating patok na patok sa mga bata ay unti-unting nakalimutan ng umusbong ang iba’t ibang amusement park katulad ng Star City and Boom na Boom sa Pasay at Enchanted Kingdom sa Laguna. Ang Araneta Coliseum bagamat sikat pa rin sa ngayon ay marami na ring katunggali na matatagpuan sa iba’t ibang sulok ng Kamaynilaan. Sa paglipas ng panahon tila ba napabayaan ang Cubao at ang ginampanan nito sa kasaysayan. Maraming maunlad na negosyo sa Cubao na ngayon ay hindi mo na matatagpuan.

Parte ng aking kabataan ang Cubao. Kapitbahay lang kasi namin ito dati. Ngayon tuwing nagagawi ako sa Cubao, namimiss ko ang dating Fiesta Carnival at ang Smokeys along Araneta Avenue. Bagamat meron pa rin namang Fiesta Carnival hindi na ito tulad ng dati. Kasi outdoor na sya at sobrang maliliit lang o baka naman maliliit lang talaga yung Fiesta Carnival dati bata pa kasi ako noon kaya parang lahat ng bagay ang laki-laki. Ngayon ata Cubao Expo na eh. Hindi ko lang gano sure kasi hindi ko pa napapasok yung loob. Samantalang yung Smokeys mukhang nilamon na rin ng smoke. Dinemolish ng tuluyan.

Ngayong 21st century, naisipan naman ng pamahalaan na irehabilitate ang dating kinang ng Cubao. Nandyan na ang Gateway Mall, meron na ring mga Call Center sa paligid, may pinapatayong hotel na hindi mukhang chipannga at ang paligid na Araneta abay ang sosyal lalo na sa gabi. Sana nga magtutuloy-tuloy na ang muling pagbangon ng komersyalismo sa Cubao para makapagproduce ng trabaho sa mga Pilipino at mabawasan na rin ang nagaabang na lang na may magwithdraw sa ATM, susundan, hahanap ng tamang tyempo, tapos tututukan ng kutsilyo. Ouch! San si Concencia? Kilala pa kaya nila?


Photo courtesy of Yahoo Images: The Araneta Center

Related Posts:

  • Nyt Trip Blog Hopping with “Ako’y Isang Pinoy” as background music. Alas sais ng hapon, busybusyhan sa pamamasyal sa internet. Ngunit bahagyang nabulabog nang… Read More
  • Huntahan sa Commonwealth Nitong nakaraang Sabado lamang, February 8, 2009, ako kasama sina Jeng, Gelai, She and boyfriend RS ay nagpasyang magkitakita makalipas ang ilang buw… Read More
  • A Walk To Remember in Ciudad Quezon The problem isn’t finding out where you are gonna go-its figuring out what you are gonna do once you get there that is! - Jamie (Mandy Moore) This p… Read More
  • Inside Three Stars and a Sun One of my ultimate dreams in life is to travel my own country, the Philippines. This morning, as I tried looking for a Filipino-made blog, I came to… Read More
  • Saudi Adventure by Jordg . may customer akong nanggagalaiti sa galit kasi hindi ako marunong mag-arabic... (natural bago pa lang ako) pero, ang silverlining naman nu… Read More

1 Speak:

jei said...

Wow Rej, ang ganda ng pagkagawa! Napuntahan ko na rin ang Cubao nung 80s pero hindi ko na matandaan ang lugar. Pano, isang araw lang ako namasyal dun.

Popular Posts

Archive