Saturday, November 14, 2009

Mga Aral Mula Kay Mr. C

Posted 12/11/06 10:19 AM

Ryan Cayabyab's acceptance speech during the 12 Gawad CCP Para sa Sining.

Ang mga Natutunan Ko Hanggang Kahapon Bilang Isang Manunulat ng Musika:


1. Walang mangyayari kung nakatitig ka lang sa labas ng bintana habang naghihintay ng inspirasyon. Malimit na ito ay hindi dumarating.

2. Kapag mayroon ka nang naumpisahan, tapusin mo.

3. Kapag may pumansin sa nilikha mo dalawang bagay lang ang gagawin mo: una, kung ito ay pinuri, ngumiti ka; pangalawa, pag ito'y binatikos, humalakhak ka. Huwag mong pakawalan ang iyong bait. Mabuti nga't napansin ang likha mo.

4. Lumikha ka lang ng lumikha. Tumigil ka lang pag patay ka na. Siyempre.

5. Huwag mong liliitin ang mga nilikha mo. Minsan ito ay may kapangyarihan na hindi mo matalos.

6. Sa kabilang dako naman, huwag ka nang magmalaki. Maraming mas magaling kaysa sa iyo, kung hindi ngayon, sa mga darating pang panahon.

7. Hindi sa iyo ang mga nilikha mo. Ginamit ka lang na isang daan upang maisalarawan mo ang kalagayan ng iyong kapanahunan at kapaligiran.

8. Magpasalamat ka sa mga taong nagpakita sa iyo ng daan.

9. Magpasalamat ka sa bayan mo na iyong kinalakhan.

10. Magpasalamat ka sa Diyos dahil ikaw ay humihinga at ikaw ay isang alagad ng sining!

May pahabol pang isa: Hangga't maaari, huwag ka nang dumakdak ng dumakdak, tugtugin mo na lang.”
.
Photo courtesy of pinoyweb.info

Related Posts:

  • Ang Kawawang Bata Scene 14 Sa jeep. Sasakay ang dalawang magkaibigan. Rush Hour na. Drayber: Isa na lang sa kanan. Friend: Sakay na tayo. Kanlungin na lang kita.… Read More
  • Nailed in the Couch When Pinoy Big Brother started airing last year, I really thought that this reality show was non-sense. Because most of the happenings inside the hou… Read More
  • I Miss OPM in the 90's Orihinal na komposisyon. Hango sa tunay na buhay. May kabuluhan ang mensahe. Awitin ng bawat Pilipino. . I miss Pinoy music in the 90's! Ikaw, hindi… Read More
  • ATTENTION: ERASERHEADS FANS!!! WHAT: Eraserheads Live! The "Final Set" WHEN: March 7, 2009, 8 pm WHERE: Mall of Asia Concert Grounds HOW MUCH: VIP PhP 5000.00; GOLD PhP 3000.00;… Read More
  • The Top 5 Pinoy in My Screen Meet Tristan Jovellana This very talented interior designer and artist is one of the co-hosts of Ms. Tessa Prieto-Valdes in House Life, a home improv… Read More

5 Speak:

Giselle said...

ang galing. #6 siguro yung pinaka mahirap tanggapin for most artists.

Julianne said...

korek. ung #6 mahirap nga. tugtugan na lang...

RedLan said...

Tama talaga ang mga sinabi niya. Humble ang tawag dyan.

Glampinoy said...

Mayroon din akong post about Manny Paquaio. Hope you'll visit my new site. Thanks.

Julianne said...

@ reFRESH: korek. walang ere.

@Glampinoy: salamat din sa pagbisita. sige punta ko.

Popular Posts

Archive