Saturday, November 14, 2009

Mga Aral Mula Kay Mr. C

Posted 12/11/06 10:19 AM

Ryan Cayabyab's acceptance speech during the 12 Gawad CCP Para sa Sining.

Ang mga Natutunan Ko Hanggang Kahapon Bilang Isang Manunulat ng Musika:


1. Walang mangyayari kung nakatitig ka lang sa labas ng bintana habang naghihintay ng inspirasyon. Malimit na ito ay hindi dumarating.

2. Kapag mayroon ka nang naumpisahan, tapusin mo.

3. Kapag may pumansin sa nilikha mo dalawang bagay lang ang gagawin mo: una, kung ito ay pinuri, ngumiti ka; pangalawa, pag ito'y binatikos, humalakhak ka. Huwag mong pakawalan ang iyong bait. Mabuti nga't napansin ang likha mo.

4. Lumikha ka lang ng lumikha. Tumigil ka lang pag patay ka na. Siyempre.

5. Huwag mong liliitin ang mga nilikha mo. Minsan ito ay may kapangyarihan na hindi mo matalos.

6. Sa kabilang dako naman, huwag ka nang magmalaki. Maraming mas magaling kaysa sa iyo, kung hindi ngayon, sa mga darating pang panahon.

7. Hindi sa iyo ang mga nilikha mo. Ginamit ka lang na isang daan upang maisalarawan mo ang kalagayan ng iyong kapanahunan at kapaligiran.

8. Magpasalamat ka sa mga taong nagpakita sa iyo ng daan.

9. Magpasalamat ka sa bayan mo na iyong kinalakhan.

10. Magpasalamat ka sa Diyos dahil ikaw ay humihinga at ikaw ay isang alagad ng sining!

May pahabol pang isa: Hangga't maaari, huwag ka nang dumakdak ng dumakdak, tugtugin mo na lang.”
.
Photo courtesy of pinoyweb.info

Related Posts:

  • Don't Complain Did you smoke minutes before you go to sleep? Don’t complain if your wife or husband doesn’t want to sleep beside you. Did you drink a case of beer … Read More
  • How to Say "NO" the Positive Way When your financial statement is fluctuating and a friend approaches you and asks you “Can I borrow money from you…blah blah blah?” which of these tw… Read More
  • Act Now Last month I encountered a "big" problem. I smelled a dead rat…in my bedroom. The smell stunk. Yuck! A massive search operation happened immediate… Read More
  • Beat the Blocks In basketball, a block is a method of impeding the opponent or the offensive player from getting points. A block is performed when, after a shot is a… Read More
  • Points in Heaven (Re-Post) There are people who are rich, gorgeous looking, bright and witty. They are successful in their chosen career. Their family is strong and happy. Thei… Read More

5 Speak:

Giselle said...

ang galing. #6 siguro yung pinaka mahirap tanggapin for most artists.

Julianne said...

korek. ung #6 mahirap nga. tugtugan na lang...

RedLan said...

Tama talaga ang mga sinabi niya. Humble ang tawag dyan.

Glampinoy said...

Mayroon din akong post about Manny Paquaio. Hope you'll visit my new site. Thanks.

Julianne said...

@ reFRESH: korek. walang ere.

@Glampinoy: salamat din sa pagbisita. sige punta ko.

Popular Posts

Archive