Walang pasok pero tulad ng nakasanayan na ang aga aga ko nagising. Marahil na rin sa init ng panahon at hindi gumaling galing na ubo na nasa ika-4 na linggo na. Monthsary? Hehe!!! Sa kabila nito, parang ang gaan naman ng pakiramdam ko. Nakatulog naman ako ng mahimbing.
Kagabi habang sinisikap kong matapos ang pinapagawa sa akin, tinawagan ako ni tito Lando upang sabihin na nakaparada ang Melbourne Taxi (ang bagong panggalan ng taxi ng tito ko) sa may Kowloon West. Hindi ko na sinunod ang una kong plano na mag-OT hanggang 9pm dahil masakit na rin naman ang tiyan ko at sigurado akong di ko naman matatapos yung ginagawa ko. Sa makatuwid nagpasya na lamang ako na iuwi ang trabaho na mamaya ko na gagawin kasi nasa mood pa ko magtype at magkwento ng mga bagay bagay na hindi naman gaanong mahalaga at siguradong wala kang bagong matututunan. Basta feel ko lang. Salamat sa tawag nya dahil mukhang maganda naman idinulot nito sa "pare" nyo. Dahil dyan itutuloy ko na ang kwento.
Alam nyo bang nitong ilang mga nakaraang araw ay masaya ako. Hindi nyo man maaaninag sa mukha ko (as usual dahil mas madalas nyo kong makitang nakasimangot kesa nakangiti), ang puso ko nama'y punong puno ng kagalakan. Ang dahilan? Answered prayers. Kung alam nyo ang work history ko o nabasa ang ilang posts ko sa ibang blog kapansinpansin na tila punong puno ako ng bitterness. Ngayon happy story naman ako. Dito ko na lang pinost para mas mabilis ang daloy ng storya. Sige, sabihin na natin na hirap akong iconvert ang nararamdaman ko ngayon sa wikang Ingles. Hehe!!!
Ang sarap ng feeling kasi naranasan ko na rin sa wakas na hindi pumasok ng Lunes dahil legal holiday. Tulad noong april 7 - araw ng kagitingan (na dapat ay april 10 talaga. Oops! april 10 nga ba?). Di ko akalain sinicelebrate pala yon. Hehe!!! Hindi naman masyadong obvious na hindi ko kabisado ang Philippine History no! Nalalpit na rin ang Labor Day na ipagdiriwang sa May 1 (in fairness, alam ko yun). Sa makatuwid bakasyon na naman. Yehey!
Eto seryoso na talaga. Tulad ng sinabi ko answered prayers ang dahilan. Tunay ngang makapangyarihan ang panalangin. Unit-unti, nararamdaman ko ang mga pagbabago sa buhay ko. Mas nakikita ko na rin ang magaganda kesa sa hindi gano kagandahan. Masasabi kong mas may direksyon ako. Sympre may ilang pagkakataon pa rin na nadadampian ako ng takot pero marunong na kong lumaban ngayon. Bakit? Dahil kakampi ko si God. Sya ang pangunahing dahilan. Ang main source ng kasiyahang dumadaloy sa aking dugo. Naks! Kaya naman nababanggit ko na ang mga katagang “Thank God the long wait is over!”
Naku alas otso na pala! Hindi ko na hihimayin pa ang buong storya. Kailangan ko na palang maghanda dahil may lakad pa kami nina John, Mommy at Daddy mamaya. Oo, tama ang nabasa mo. Nandito si daddy ngayon. Yahoo!!!
Magkakaron ba ng "A Date with my Dad Part II?" Let's see. Hanggang dito na lang. Kwentuhan kita uli pag nasa mood ako.
Oops! Abangan ko rin ang kwento mo ha. Sa susunod kwentuhan tayo.
0 Speak:
Post a Comment