Showing posts with label Contribution. Show all posts
Showing posts with label Contribution. Show all posts

Saturday, February 21, 2009

Patay Kang Kuko Ka!!!

by mitch
.
rush hour nanaman, hirap sumakay ng jeep,
kya e2 kmi ni joan lkad pabalik pra lng makasakay!
hindi p don nata2pos ang aming pki2pagsapalaran tuwing uwian,
pagbaba namin sa doroteo jose dhil nga rush hour punuan din ang bus,
andon ung kylangan mong salubungin ang bus kung gusto mong my maupuan,
maniniwala ba kayo na yang liit ni joan galing nyan sumingit ang ending nakaupo kmi!
syempre ako ung nakapwesto sa tabi ng bintana.
e2 na si joan bgay nya na ang pamasahe nya skin, as if ako ang kundoktor. hehe....
syempre byad naman ako, 1 nga pong vista verde at 1 royal mall.
trafic na2man, tagal ng byahe, inantok kmi ni joan,
malas lang biglang umambon, mukhang magtutuloy tuloy kya sinarado ko ang bintana.
dhil nga antok kmi, wla muna usap2, idlip muna kmi.
nasa xpresway na kmi ng hindi makatiis si joan sa sobrang init at
magka2halong amoy ng mga pasahero, ayun binaba nya ang bintana ng bus
di nya lam na nakalagay don ang daliri ko, kya napasigaw talaga ako sa gulat at sakit.
PATAY KANG KUKO KA! dahil nag iba tlaga ang kulay ng kuko ko.
pro in fairness nag alala talaga si jaon halos hindi magkandamayaw
sa paghingi ng sorry ang lola mo khit na alam ko nman na di nya sinasadya un.
malinta exit na pla, bababa nalang ako e2 pa din si joan cge pa rin ang sorry.
banat naman ako ng o pano ingat k nalang, kita nalang bukas,
magsa2bi kana kapag gusto mo buksan ang bintana ha. sabay tawa kami..



di ko lang sure kung naalala pa ni joan, gusto ko lang i share!
mis na mis ko na ang tropatits, kylan kya tyo mabubuo?????
miss yah ang lav yah guyz!!!!! mwah

Monday, February 9, 2009

Pila sa Enrollment sa may College of Science ( Payment Receiving Area )[Sequel of Hilarious Laglagan sa Ere]

by Jordg
.
Eto na…. eto ang magandang part ng pagsisimula ng klase kasi di pa nagsisimula ang bagong semester ay talamak na ang “Kadugasan at Kagalingan sa Pag-arte” upang maiwasan ang pagpila ng mahaba upang ma-maximize ang oras ng paglakwatsa sa SM…. Nakapila na ang lahat….. lahat ng BAM-IM na nasa 3rd year…. Yun nga lang may kasabay tayong ibang college… COS right? Naknamputsa naman ang haba ng pila…. Humaba na rin ang pila kasi yung mga in-charge na profs a enrollment ay suma-sideline ng subo ng sandwich at saging sabay inom ng buko pandan…. Kilala mo na ang nasa unahang bahagi ng pila… ang mga taong ka-close ni Haring Araw para hindi ma-late… Si joan R., Cheryl, Cecille at Cecille Sta. Ana, Flora Joy, Doths, Gold, Koya Idgar, and the rest ng klase eh History… History talaga dahil nakatatak na sa History Book ang Record when it comes to “Early Bird Topic” pero bakit hindi ko nakita sa listahan ang pangalan ni yheng? Dahil nung araw na yun eh… LATE siya at isa ako sa maaga… bakit ako maaga? Kasi…. Galing ako ng Cavite ng araw na yun at ibinaba ko muna sa boarding house ang pang-isang dekada kong gamit…. Eh di nasa pila na ako… text kami ni yheng tapos merong drop call pa para tipid… “oi puking ina ka yheng, sang lupalop ka na ng impiyerno at bakit wala ka pa?” ang yheng… “letse ka traffic dito sa may Uste, nakakainis naman….” Oh sige bilisan mo….” Oh di sige kausapin mo si Manong Driver na bilisan niya…” to cut the story short…. Dumating na si yheng na kasabay si joy….. nasa pila ako…. Eto, walang practice ito… na-foresee lang siguro nina joy at yheng na kung dadaanin nila sa legal na pamamaraan ang pagpila at paghihintay ay aabutin sila ng siyam-siyam at gagabihin at hindi makakapag-mall… pagkahanap sa akin nina yheng at joy…. Sumigaw ba naman ng:
Yheng: jordg, ano ba yung pila natin parang hindi nausad…
Joy: oo nga…. Nakakain na kami’t lahat nandiyan ka pa rin sa pilang yan…..
Yheng: bakit ba hindi ka dumiskarte diyan jordg….
Jordg: natahimik at natameme… ang sabi ko kay yheng… “ano kaya yheng kung gawin ko at this very moment yung Hilarious Laglagan sa Ere… what do you think?
Yheng: si kuya naman hindi na mabiro…..
Sabay singit na sa pila at umarangkada na ang mga parinig sa amin at okrayan sa pila ng mga taong unique ang hitsura that day……

Sweet Escape to Tayoman Part II

by Jordg
.
Same situation sa Sweet Escape to Tayoman part I… Please read hanggang sa “bumanat si yheng ng…” pero dito naman may ka-jamming kami ni joy… usually ang tandem lagi sa Sweet Escape to Tayoman ay ang sumusunod:

1. Jordg – Joy
2. Jordg – Mean
3. Lani- Bhelle
4. Badette – Rochelle
5. Zhang – Cecille

Isa-isa ang hakbang…. Nakalabas na yung unang pair… for example…. Si Lani at Bhelle…. So naghihintay na lang sila sa amin sa may bago mag-hagdan… eto na ang turn ni Jordg – Joy tandem… ewan ko ba dito kay joy at kung bakit hindi niya naisip na huwag kaming sabay humakbang… minsan itong babaeng ito, kahit matalino at may “built-in ruler” sa kamay eh may pagka-below average ang IQ sa mga “street smart state of affairs”…. Eto na bumanat na si yheng….

“Jordg – Joy san kayo pupunta? May klase pa tayo diba? Mamaya na kayo lumabas….”

Muli….. ng pagkalakas-lakas….. ang lusot ko na lang ay, “mam, may pinaabot lang po sa likod ng room para kay joy”…. Sabay… hagalpak na naman sa kakatawa dahil again for the nth time…. “Hilarious Laglagan sa Ere”….

Sweet Escape to Tayoman

by Jordg
.
Eto ang isa sa mga pinaka-favorite kong escapade namin ni yheng…. Klase ni ms galiga (ok lang naman mag-play ng name-names…. ) nung umagang yun… I guess 9am yun… 1st subject natin yun at fresh na fresh ang lahat at parang ¾ ng klase ay bukod sa basa pa ang mga buhok eh katatapos lang kumain sa tayoman… sa kaso ko hindi, kasi lagi akong buzzer beater dahilgaling ako ng boarding house, diretso na sa room, wala ng kain-kain dahil mahirap hindi makapag-present sa attendance… kumpleto na ang lahat sa loob ng senyasan ko si joy ng “gutom”… (si yheng kasi kumakain na sa bahay yan bago umalis) sabi ko… “joy, kain tayo sa tayoman, kumain ka na?”, ang sagot ni joy (na kahit alam kong kahit papaano eh may laman na ang tyan niya), “hindi pa nga jordg eh”… ok, pagkakataon na ito…. Eh di bumubuwelo na kami ng eskapo sa pinto sa likod ng room (kasi dib a, dalawa ang pintuan natin sa CLA?)… huling hakbang na lang at glorya na sana ng bumanat si yheng ng…..

“LANUZA-LEMITA, san kayo pupunta? May pintuan kaya sa harap…”

ng pagkalakas-lakas….. sabay seryosong mukha na nang-aasar…. Ang siste, napatingin si ms. Galiga… ang sabi ko na lang… “mam, tinitingnnan ko lang po sa baba kung nandiyan na si gichelle kasi hiniram niya po yung fundamentals of management book ko….” Yang bagay na yan ay tinatawanan lang namin dahil yan ang tinatawag na “Hilarious Laglagan sa Ere”….

Sunday, February 8, 2009

Saudi Adventure

by Jordg
.
may customer akong nanggagalaiti sa galit kasi hindi ako marunong mag-arabic... (natural bago pa lang ako) pero, ang silverlining naman nun eh magaling naman siya mag-english so nagkaintindihan kami (katangahan niya lang, bakit kailangan niya pa ako i-arabic eh pinoy na pinoy hitsura ko at hindi ako mabalahibo at wala akong putok).... eto ang nangyari (wala akong staff ng araw na ito kasi taglamig sa saudi.... baka natatakot lumabas ang mga staff... kaya mag-isa ako ng sobrang aga)

Customer Mabaho: hey, give me 1 caramel macchiato latte grande size for take away...
jordg: sir, can i excuse myself for a sec because i have another customer in the family section (kasi dito sa saudi, hiwalay ang dining area at receiving area ng lalaki at babae baka raw kasi mabuntis... hehehe,.,,.)
Customer Mabaho: tsk... tsk.... (ewan ko kung ganito rin ang spelling nila ng tsk... tsk.... na pauso ng mga pinoy...
jordg: tsk.... tsk.... ka rin....
Customer Mabaho: hey, i am in a hurry...
jordg: sir, one moment please... i have to prepare her order and the moment im done with her, i'll get back to you...
Customer Mabaho: hhhmmmmmm....
jordg: puking ina mo (pabulong nga lang sa sarili....)
Customer Mabaho: you're done?
jordg: you bet i am.... (promise... gaguhan dito dahil marami kupal talaga)
Customer Mabaho: where's my order?
jordg: ok... 1 minute... (sabay dabog sa espresso bar)
Customer Mabaho: are you ANGRY?
jordg: i beg your pardon? (kahit narinig ko na, pinaulit ko...)
Customer Mabaho: i said, are you ANGRY?
jordg: i'm sorry? can you repeat what you just said? (kahit narinig ko na, pinaulit ko... ulit)
Customer Mabaho: i said... are you ANGRY?
jordg: no sir... i'm not HUNGRY.... my tummy is full....
Customer Mabaho: walkout.....
jordg: (biglang natakot... hahahaha)

ENJOY.....

Super Rona at Ding.... Bilisan Mo ang Charger at ang Bato....

by Jordg
.
Meron akong istorya na involve si daddy mores at si mommy mores…. Dito yata nag-bloom ang pamilya mores… eto yung time na pinipilit kong maging mabuting gobernador sa mga constituents ko… hahaha…. Pota…. Anyway balik tayo sa topic.. dahil si Rona ang Sexsetary ng Liberal Arts Student Government, isinama ko siya sa General Trias Cavite (na sobrang layo din dahil 20 minutes drive lang siya sa Tagaytay sa North at Amadeo sa South… ) eh die to na…. excited si rona ng sabihin ko na may pupuntahan kaming mga companies for our Plant Visit… sabi niya… “sige jordg, join ako diyan…. “ tapos eto pa ang sumunod na noramal na sagot at tanong kay rona na sobrang haba, na ang isasagot mo lang ay “OO”.. sabi niya…. “san ba yan jordg?, ano oras tayo aalis? San tayo sasakay? Sino pa kasama natin? Ano sasakyan natin? Ano oras tayo makakablik ng manila? Ihahatid mo ba ako pag ginabi tayo? Teka lang, magaayos muna ako… samahan mo muna ako sa cr baka may boys akong makatabi dyahe naman kung medyo lapse na ang hitsura ko….” Nabanggit niya yang pagkahaba-habang tanung nay an sa 2o seconds lang… I swear ganyan talaga kabangis si rona pagdating sa “Bibig Marathon”… ang sagot ko lang sa kanya kasi napanisan na ako ng laway at hindi ko talaga kinaya ang powers niya sa “atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu bibig marathon energy niya….. eto pala ang sagot ko…. “BASTA….” Eh di ang sagot ni rona…. “OK”, basta ha… tapos sabay tawa ng pagkalakas-lakas na para bang gusto niyang buhayin ang mga bangkay na nakalibing sa College of education Building…. Eh di nasabi ko na nga ang plano… sakay na kami ng San Agustin na Bus na byaheng Dasmarinas Cavite…. Eh di nasa bus kami…. Wala akong choice kung hindi makipag-marathon din sa kanya ng kuwento kahit pagod na ako sa katatapos na klase at yung paglakad namin from TUP sa Lawton. Eh di humapo ang bagyo kakakuwento… akala ko nakaidlip na siya… hindi pala, nag-recharge lang pala gamit ang Fast Charger…. Umariba na naman sa kuwento kahit marami ng nakatayo (dahil tayuan ang biyaheng San Agustin, pero kami nakaupo kasi sa Lawton kami sumakay). Feeling ko nga naiirita na yung katapat naming tatluhan na upuan kasi dinig hanggang sm manila ang kuwento niya kahit nasa Toll gate na kami ng Coastal… hahaha….. tapos medyo napagod yata si rona… nakatulog na…. nakapagpahinga rin ako kasi hindi ko talaga kinya yun dahil hindi naman Fast Charger ang gamit ko…. Nung nakababa na kami ng Dasmarinas, sabi ni rona, “malapit na ba? Sabi ko, “hindi ko alam, itatanong ko muna sa mama”… sabi niya, “ano? Hindi mo alam, kanina pa tayo bumibiyhae jordg… napagod na pwet ko sa kakaupo” sabi ko… napagod pwet mo, eh yung bibig mo walang kapaguran”…. Ayun balik ang smile ni rona baby… sakay ulit kami ng jeep papunta ng manggahan general trias…. Eh di nasa jeep na kami… si rona merong napansin na parang suspicious looking… naku jordg, tingnan mo yung mama,,… “rona pag tiningnan ko yan, malamang kahit hindi siya kriminal, baka mapilitan yan kasi paranoid tayo. Eh di tahimik na kami… nung nakababa na kami sa manggahan, sabi ni rona, “jordg, gutom na ko”… sabi ko, rona wala pa tayong nasisimulan at kumpleto pa rin yung 20 letters na ipamumudmod natin sa mga companies… magandang pang-down pala sa spirit ni rona ang gutom para tumigil siya sa atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu….. hahahaha….. eh di eto na, pagbaba namin ng gateway, we did not anticipate na lalakad ulit kami at layolayo pala ang mga companies dun kaya hayun… lalong napagod at tahimik si rona while searching for our luck…. (lucky me) Natapos na yung 20 n letters… may mga bigong company, may mga company na ang guard ang nagde-decide kung papayagan tayong mag-plant visit, may company na parang royal blood lang ang pwedeng pumasok dahil ginto yata ang flooring, meron namang mag-eenjoy ka pagpasok kasi para kang bumaba ng bundok, tapos hirap ka pabalik dahil paakyat (eh hindi ka namn nag-training para lumaban kay pacquiao), meron ding mabango sa labas, meron ding nakaka-suffocate, meron namang parang gigiba na sa 1 palito ng posporo…. Tapos sabi ni rona, nung pabalik na kami ng manggahan at pasakay pabalik ng lawton, “jordg, nagugutom na talaga ako” wala akong choice kung hindi magpakain kasi Kasama naman talaga sa plano yun at standard yun na magpakain ka provided na may resibo…. Kasi i-reimburse ng OSA. Hahaha… eh di kain kami sa McDonalds… di ko na matandaan yung kinain ni rona, basta ako value Meal Number 1… ang default na ino—order natin… hahaha…. Tapos, kinabahan na naman ako nung medyo nangalahati na si rona ng kain kasi full charge na naman si rona baby…. Tahimik lang ako…. Ayun na, umariba uli…. Maraming kumakain din kasi labasan ng mga company… may mga galling ng Gateway na nag-work sa Intel, Cypress, government Agencies, Schools, etc…. atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu… atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu…. Atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu… ulit ang nangyari…. Nangalay na ulit ang panga ko kahit ang response ko lang normally ay “OO nga” at “Siguro”…. Kaya ayun, nag-takeout ako ng Hot Fudge (kasi naniniwala ako na pang-paalis ng depression ang chocolate) eh depress ako kasi low bat ako that time at si rona, full charge, di ko masabayan…. Ayun na, sabi ko sa kanya nung nasa manila pa lang kami papuntang cavite, ihahatid ko siya pauwi pag ginabi kami…. Ang nangyari, sa boarding house nga ko umuwi pero hindi ko na siya nahatid sa blumentritt…. Alam niyo ba ang dahilan, hindi dahil sa napagod ang paa ko kakalakad at pwet ko kakaupo sa biyahe, kung hindi yung talk marathon ni rona at yung depression ko na hindi ko natapatan ang World Record Performance niya nung araw na yun…. Hahahaha/….

si meann ulit.... sa plato tayo kumain....

by Jordg
.
Naglalakad kami sa may Sylvia street corner ng ayala boulevard…. Katatapos lang yun ng klase ni sir pangilinan…. Kuwentuhan siyempre… kasi may nag-report na naman na isinulat ang buod ng report sa manila paper…. Eh di eto na…. nagiisip na ng kakainin si yheng… naisip ni yheng.. ano kayang uulamin niya sa araw na iyon dahil ayaw niya mag-baboy… for some reason, hindi ko makuha ang logic ng pagka-ayaw niya sa baboy eh yun ang universal ulam naming dalawa dahil irita kami sa pagkain ng isda dahil nakakatakot ang hitsura ng pagkakaluto sa may kakainan naming na pugad ng fraternity members…. Eh di sabi ko kay yheng, bakit hindi ka kumain ng baboy for a change… biglang sabat si mean ng…. “san ba tayo kakain yheng”….. (gusto ko sabihin kay mean, ano ka ba te, nasa Sylvia na tayo papunta sa regular na kinakainan, ngayon ka pa nagtanong….) nainis yata si yheng at hindi sumagot… si mean na lang ang sumagot sa tanong niya… “ah alam ko na, sa plato tayo kakain….” (oo alam ko corny to, pero kung nasa sitwasyon ka, malamang nanghiram ka ng portable toilet dahil hindi mo na kayang i-tolerate ang sakit ng tiyan mo sa kakatawa)…

amazing meann and her fantastic adventures

by Jordg
.
Naghahanap kami ng boarding house para sa ikatlong boarding house ko in just 3 semesters. Magkakasama kaming apat, ako si yheng, si joy at ang phenomenal na si mean.. nang naglalakad na kami, biglang umiba ng liko si joy na para bang merong ibang planong tanging siya lang at ang lalaking katagpo ang nakakaalam. Sino pa ba eh di si oled. Ng mga panahong yun, para pang sina guy and pip ang loveteam nina oled at joy. Back to the main issue. Eh di tatlo kaming natira. Di ko na kailangang i-mention kung sino-sino kasi obvious naman… haha… tapos, naka-ilang boarding house na kami… may mga boarding house na parang haunted house. May mga boarding house na parang preso, (may mga naka-orange kasing damit), merong parang bahay ng daga, merong pang-isahan na talaga namang mura ang upa, 300 1-month. Bakit mura? Kasi walang dingding… may mga boarding house din na mala-palasyo ang dating pero triple ng pang-regular na 1 buwang bayad, meron namang di ka pa sigurado na lilipat ka eh inuunahan ka ng mag-down ng 2 months advance at 1 month deposit… (yan ang tinatawag na hayok sa pera at parang may slot machine na lumalabas sa mata na peso sign…. Eh di to na.. nang nandun na kami sa final destination ng biglang nahuli ng lakad si mean…. Ewan ko ba at ano ang nakita… nakakita yata ng 25 centavos at pinulot. Pandagdag nga naman sa ipang-photocopy sa araw na yun… eh di eto na, lumitanya si mean ng…..” jordg may nunal (taling) ka pala sa batok mo….” ang sagot ko “ oo mean, pininturahan ko yan kanina ng itim na pintura”, ang sagot ni mean na medyo nainis yata sa sagot ko…. “Eh di habulin ka pala….” Sabi ko, “habulin ng ano?”, sabi ni mean… “habulin ng babaeng tuta”… diyan, diyan nag-originate ang bansag kay mean na “TUTA”….

Popular Posts