Friday, April 15, 2011

Entrepreneurship Lesson 101 - Maling Akala

Ang ilang mga bagay na natutunan ko sa pagkakaroon ng maliit na tindahan:

Hindi porke nakalong sleeve at nakasakay sa Crosswind ay matino’t mapagkakatiwalaan.
At hindi rin lahat ng mukhang hoodlum eh manloloko’t mandurugas.

Mainam mag-ingat sa mga taong magaling magsalita pagkat ang ilan sa kanila'y  may poker face.
Kadalasan kung sino pa ang matipid sa salita sya pa ang may Palabra de Honor.

Totoo ngang wala sa itsura at pananamit masasabi ang asal ng isang tao. Ito ay nasa salita at higit sa lahat sa gawa.

Photo grabbed @ cattlefish.co.uk

1 Speak:

Arvin U. de la Peña said...

ingat sa pag sukli baka sobra,hehe..

Popular Posts