Thursday, October 8, 2009

Mahiya naman kayo!

Kahapon, may nabasa akong isang balita tungkol sa pagtutol ng ilang senador sa pagsasailalim ng buong bansa sa State of Calamity. Ayon sa pamahalaan, ito ay ginawa upang maproteksyunan ang mga mamimili laban sa mga mapansamantalang negosyante. Sa ilalim kasi ng State of Calamity ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtataas ng mga presyo ng mga bilihin lalong lalo na ang mga pagkain at gamit na binibili ng mga nasalanta ng bagyo at mga nais tumulong sa mga ito. Ngunit ito nga lang ba ang dahilan ng pagdideklara ng State of Calamity?

Ayon sa nasabing balita, tumututol ang mga senador sa pangambang magamit ng ilang local government unit ang pondo ng kanilang calamity fund kahit na hindi naman ito kinakailangan katulad ng Visayas at Mindanao na hindi naman gano naapektuhan ng bagyo. Maliban sa nabanggit na balita, marami na ring naglalabasan na tumutukoy sa pangaabuso ng ilang sangay ng pamahalaan. Kung saan ang mga relief goods ay inililipat sa ibang plastic o lalagyan na may tatak o larawan pa ng kung sino mang pulitikong may sakop ng lugar na nasalanta. Kaya hindi na rin katakataka na ang ilang pampribadong organisasyon na tanging hangad ay makatulong ay mahigpit na ipinagbabawal na ibigay ang mga donasyon sa kung sino mang nangangasiwa ng lugar na kanilang pinuntahan. Ito ay ginagawa upang masigurado na ang mga donasyon ay diretsong mapupunta sa mga tunay na biktima at hindi upang magamit sa pambibiktima.

Kaninang umaga naman, nagising ang inaantok ko pang diwa hindi dahil sa mainit na kape kundi sa balitang ipinaparaffle ang ilang relief goods. Eh pano kung di ka swerte sa raffle? E pano kung puro pala kamag-anak ng may hawak ng relief goods ang nakalagay sa tambyolo? Naalala ko tuloy noong Christmas Party ng kumpanyang aking pinagsilbihan. Kasama ang ilang kaibigan ay matsaga naming inabangan na mabunot ang aming pangalan. Kahit maliit lang pwede na ring pandadag sa noche buena o kahit pangload man lang. Anong nangyari? Sympre wala. Umuwi kaming luhaan. Noong konti na lang ang tao’y ipinagpapaliban ng mga nangangasiwa ng raffle ang pagbunot ng mga pangalan ng sa ganoy sila-sila ang makinabang. Malinaw na pandaraya; Nanglalamang sa kapwa. Sa huli, Sir/ Ma’am Merry Christmas po, ang aming winika. Hayyysssttt!!!

Ano nga kaya tunay na dahilan ng pagdideklara ng State of Calamity? Para nga ba ito sa ikabubuti ng nakakararami? O upang makalikom ng sapat na pondo na gagamitin sa pagmamanipula ng bilang ng boto sa darating na eleksyon?

Naparami na ng problema ng lipunan. May mga tao pang nagagawang manloko. Mahiya naman kayo!!!

4 Speak:

-ellesig- said...

para may access sila sa calamity funds. ganon ka simple. ang kakapal talaga ng mga mukha. yung ibang mga nasalanta nga hindi naabot ng relief.sana maexperience nung mga magnanakaw na pulitiko na sila na ang masalanta tapos sila pa nakawan. puro salita lang sila, hindi naman talaga sila naaawa sa mga tao.

gemroy said...

Sino yung senador? si Nonoy o Chiz? Ginamit ni GMA yan para busalan ang mga bunganga ng local goverment na mag salita sa MEDIA at wag nilang paulanan si Gibo Teodoro ng batikos, wala kasing kwenta ang NDCC sa pamamahala nya sa dalawang nakaraang bagyo.

The Pope said...

Sa kabila ng kalamidad na nagdulot ng malaking pinsala sa buhay ng ating mamamayang Pilipino, sa kabila ng nakapanlulumong kalagayan ng nakararaming biktima, nagagawa pang pagsamantalahan ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang pondo at donasyon na nararapat lamang para sa mga abang kababayan.

Sana nga ay mahiya naman sila, pero palagay ko ay wala ng kahihiyan ang mga yan na tila manhid na sa puna at batikos dahil sila ang mga taong wala ng konsyensya at pagkaganid ang namamayani sa kanilang mga puso.

Rej said...

eto po ung mga senador: Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Senators Benigno Aquino III, Manuel Villar Jr., Manuel Roxas II, Francis Escudero, Miriam Defensor-Santiago and Alan Peter Cayetano at eto naman ung link: http://ph.news.yahoo.com/star/20091006/tph-senators-oppose-government-calamity-541dfb4.html

Nakakainis talaga ang pulitika dito sa Pinas. Parang walang konsensya. Ganun pa man, meron din namang mga nasalanta na nananamantala rin. Hay! Pero gusto ko pa rin paniwalaan na mas maraming may ginintuang puso kesa sa masama. Ewan ko lang sa parte ng pulika kung ganun din.

Popular Posts

Archive