I’m a stalker.
Just finished visiting Patty Laurel’s blog at hindi lang basta napadpad sa blog nya at binasa ang latest post. It was Super Duper Mega UltraMagnetic BACK READ from her first post in January 2005 to Atom on Simply KC. Sympre, hindi ko naman binasa lahat ang totoo naghanap lang ako ng post about her and bf Atom. Now my most favorite celebrity couple (Kilig!) Hehe! Hindi kasi ko mahilig sa mga artista na parang nagpapalit lang ng t-shirt kung magpalit ng jowa. Wala talagang kilig factor, kung meron man gone in 60 seconds. Kay Atom and Patty, may kuryente. Parang gusto ko na rin magkaron ng Atom (Good luck to this hopeless romantic.) Hehe!
Ok, enough of this mushy stuff. One more thing that I love about Patty’s blog is her numerous travels. Nakakainggit lang. Tapos nalaman ko pang ka-age ko sya. Envious to 10 exponentially raised to the nth power. Looking at her pictures made me realize “ang boring ko pala.” Well, masasabi ko namang kontento ako sa buhay ko kung family and friends ang paguusapan pero yung personal life kulang sa adventure; hindi ganun kaexciting eh. Then, I looked at my pictures, solo pictures. Gosh! Iisa lang ang itsura. Eto sample…
.
Bata pa lang nakasimangot na. Meron namang ilang nakasmile pero karamihan dun stolen shot pa. That’s exactly the reason why you won’t see me here with my latest photo. Ayokong masira ang araw nyo just by looking at my pic. Hehe! There was even a time nagpapaprint ako ng resume sa isang computer shop sa Manila and the guy in the counter asked me “Wala bang nakangiti?” Ang sabi ko na lang “Kuya nakangiti na nga yan eh. Todo na yan! Pero kung kaya mong pangitiin yan dadagdagan ko bayad ko...” Lol! The bottom line: sa picture pa lang ang boring na. Pero eto malupet na pampalubag loob ng isang kaibigan tuwing nagrereklamo ang mga kasama ko sa pic “Hayaan mo sila. Trademark mo ang nakasimangot sa pic.” At least may nakaappreciate. Lol!
Actually, I’m a certified gala. Lakwatsera naman ako hindi nga lang katulad ni Patty na out of the country ang trip. Needs no explanation because of obvious reason – money. Pero kung Manila at QC ang paguusapan palagay ko qualified ako for a tour guide position. Wag lang kasama ang height sa qualifications sigurado akong kasama ako sa short list (at sa short height). Pero kahit halos naikot ko na ang Manila hindi ko pa rin napapasok ang Fort Santiago at Manila Ocean Park. Nung elementary kasi hindi ako gano nakakasama sa field trip. Ewan ko kung KJ lang si mudra, nagtitipid o dahil ang lapit lang naman. Yung Manila Ocean Park namamahalan ako sa entrance. Oo, very expensive na ang P400 (400 nga ba?) sa kin. Now I’m starting to realize kaya siguro kulang ako sa adventure because I am not too generous to myself. Puro SM lang ang alam kong puntahan. Tapos once or twice a year lang ata ako nakakapasok sa sinehan. What a joy!
So, what makes my life exciting?
Food. As you all know, I don’t cook. As in real cooking. I’m so blessed to have a mom who is exactly my opposite. She’s the best cook in the world. I swear! Unfortunately, she’s already experiencing some signs of aging. Medyo rinarayuma eh kaya lately one dish na lang ang naluluto nya tuwing may occasion or whenever we crave for FaMealy bonding. The rest are courtesy of Andoks, Goldilocks, nearest grocery and sympre ang aming munting tindahan. Last September 23, we celebrated my lola’s 70th birthday. And for the first time in my life, I bought her a gift. Medyo kinalimutan ko muna ang pagtitipid. At happy naman ako. Sobra.
.
.
Dream kong makabili ng cake sa Cake R Us. Big E as in EFFORT. Flabbergasting. Bravo! Nainspire nga ko mag-aral ng cake decorating. Pero siguro unahin ko munang mag-aral magbake para edible hindi puro design at effort to the highest level. Eto isa pang amazing.
.
Last Monday was my mom’s birthday. Ayaw na sana nyang maghanda kaya lang nalaman ng ilang kapitbahay kaya nagluto na rin kahit pano. As my birthday gift, I bought my mom cheese quesadillas from Army Navy. Gusto ko lang kasi ng bago sa menu. Maiba lang ng konti.
.
.
Ang kaso kami lang yata ng bro ko natuwa dito kasi paborito ko to eh. Hehe! Si mommy naman kasi, pansit lang solb na solb na.
Next month, will be my younger brother’s birthday. He’ll be turning 15. Sabi nya ayaw nya maghanda, magpapainom na lang daw sya kasi binata na sya. Wahhh!!! Taob kami dun!
Goodbye RC Cola; Hello, San Mig?
Abangan…
0 Speak:
Post a Comment