Tomorrow, I will support RED! What color will you support? Sana magkakampi tayo. Kung hindi man, sana bumoto ka ng naaayon sa iyong konsensya at hindi ka nagpaapekto sa isa sa most popular sayings tuwing eleksyon “Kung sya ang boboto mo, sayang lang ang boto mo!”
Hindi pa kumpleto ang senatorial list ko, kaya habang ginagawa ko itong post na ito ay nakaopen din ang Excel sheet na nagmula sa OFW blogger na si Nebz. Ayokong bumoto lang ng sikat, lalo namang ayoko ng senador na ang pinaka popluar na naipasang batas ay tungkol sa staple wire. Hindi baleng baguhan basta makikitaan ng potential at tunay ang hangaring makapaglingkod sa ating inang bayan. Pero sympre hindi naman linggid sa kaalaman ng lahat na tuwing campaign period ang lahat ng kandidato puro mukhang gwapo at mababait. Tuwing eleksyon langit ang buhay, ganun pa rin kaya pagkatapos nating ibigay ang isa nating boto? Sana lang talaga sa pagkakataong ito, mahalal ang mga tunay na nararapat sa pwesto.
2 Speak:
i like gordon too! pero my vice president is binay! :)
si binay din dapat ang VP ko. pero last minute biglang nagbago. i voted for blue. :)
Post a Comment