Wednesday, October 26, 2011

Maling Akala

So you have a business idea.
You know your market.
There’s a perfect place for it.
You can withdraw your capital anytime.
Your relatives could be your manpower.
So you laid out your business plan in black and white.
Voila! You’re ready to start.

Yun ang akala ko.

Nung nasa third year high school ako may subject kami about Entrepreneurship. Nagtataka ako bakit namin kailangang pag-aralan yun eh hindi naman kami magiging negosyante lahat. Isa pa, ang business common sense lang yan. Hello! Business is “buy and sell.” Kahit yung mga hindi nag-agral alam yan. Pero makalipas ang isang taon I swallowed my words. Business course pala ang kukunin ko sa college. Nung natapos ako sa eskwela, katulad ng iba naghanap ako ng trabaho. Pero nang natikman ang buhay sa corporate world, nagkaron bigla ng sense ang college educational background ko na dati ay balewala. Ang dami naming sinubukan at maraming beses din kaming nabigo.

Bakit?

Kasi hindi pala sapat na may seemingly brilliant business idea ka. Kasi hindi pala sapat na alam mo kung sino ang target market mo. Kasi hindi pala sapat na may ipon ka sa bangko na maaari mong maging kapital.Kasi hindi pala sapat na alam mo kung saan mo gustong ilagay ang iyong negosyo. Kasi hindi pala sapat ang nalalaman ko.

Lahat pala ng bagay sa business planning ay interconnected. Bakit ko ito nasabi? Gantito kasi yun eh…

Meron akong naging business idea. Palagay ko may sapat namang kapital. Pumunta ko dun sa naisip kong lugar. May available space kaya lang hindi pwede ang business ko kasi may katulad ng produkto. Tapos may naisip akong bago. Medyo magiging malaki ang capital pero palagay ko magagawan naman ng paraan. Pumunta ko dun sa naisip kong lugar. May available space kaya lang pagtawag ko dun sa numerong nakapaskil sa pader nakuha na raw. Tapos may naisip akong bago. Medyo magiging malaki ang capital pero palagay ko magagawan naman ng paraan. Inobserbahan ko yung business ng ilang araw, Pagkalipas ng isang linggo wala na sya dun sa pwesto. Kakaloka lang di ba!

Pagdating naman sa kapital, may mga nagsasabi na kahit na sa maliit na puhunan pwede ka ng magnegosyo. Naku po! Hindi totoo yun. Bakit? Kasi kailangan mong bumili ng paninda o raw materials. Sa pamimili mamamasahe o maggagasulina ka kung may sarili kang sasakyan. Bibili ka ng pagkain dahil gugutumin ka sa daan. Sa pagregister ng negosyo may business fee na, may porsyento pa sikapitan.

Pagdatinng sa lokasyon hindi lang sapat na maraming  tao, kailangan mo ring tanungin ang sarili mo “kailangan ba ang produkto ko dito?” Yung bayad sa upa baka naman mas malaki pa sa pwede mong kitain. Yung may-ari lang ng paupahan ang kumita eh di ba dapat ikaw din?

Sa negosyo nandyan ang pera pero kasama rin sa puhunan ang mahabang pang-unawa. Biruin mo gising ka maghapon para magbantay ng tindahan tapos may isang kakatok sa'yo sabay sabing “Pabili nga po ng isang Choko-Choko.” Susmariyosep!  

2 Speak:

Giselle said...

talagang marami ka munang pagdadaan bago mo mahanap yung negosyo na bagay sayo. mamaMASTER mo din 'to pare! :))

greetings from my new home! :) remember me?

Julianne said...

thanks. sana nga soon.

oo naman i remember you. nagback read pa nga ako sa dati mong tahanan.

Popular Posts

Archive