Thursday, August 13, 2009

Pare, Shumat Ka Muna (Part I)

Para sa mga lasenggero sa kalye, mga tumador sa may kanto, social drinker, alcohol addict, oenophile, boozers, drunkard, bartender, bata, matanda, may ngipin o wala, ako muna ang babangka. Eto ay kwentong tungkol sa mga liquor. Wag mag-alala hindi eto rated PG...
.
Sa Tindahan ni Aling Nena

Alas Otso na ng gabi. Nakahanda na ang mesa, ang isang mahabang upuan at ilang monoblocks. Sa ibabaw ng mesa’y may nakalagay na dalawang baso at mangkok na puno ng yelo. Katabi ng mangkok ay isang pinggan na may Hot and Spicy corned beef at isang plastic ng sampung pirasong isaw na kakatanggal pa lang sa ihawan. Ummm… Delisyus!!!

Paparating ay isang mamang may malaking tyan. Dala ang isang bote ng Emperador Brandy na inutang pa sa kalapit na tindahan. “Buksan na yan,” winika ng isang patpating tomador na mukhang sampung taon ng hindi nagaahit ng bigote.

Inuman na…
***************
Ang Kahulugan

Inuman. Tagay. Tomahan. Lasingan. Laklakan. Session. Social Drinking (wow, sosyal). Kung ano pa man ang tawag dyan, alak at beer lang ang tinutukoy dyan.

Hindi ako umiinom. Pero hindi nangangahulugan na kinokondena ko ang mga taong umiinom. Wala naman masama sa pag-inom ng alak at beer. Kahit nga nung biblical times in demand na ang alak. Meron ding nagsasabi na may ilang benepisyong pangkalusugang naidudulot ang mga inuming nabanggit. Kung ano man yun at interesado kayong malaman iresearch nyo na lang sa google o kumunsulta sa kilalang medico experto.
***************
Patikim-tikim

College ako noong una kong nasubukang uminom. Sa may Polo, Bulacan unang natikman ang Gin-pomelo. Hindi sa nagmamaganda pero sa maniwala kayo o sa hindi ako at ang mga hay skul friends ay hindi talaga umiinom. Tila bawal na gamot ang alak at beer noong mga panahong iyon. Basta hindi iyon ang trip namin. Trip to Jerusalem pwede pa. Joke?!
***************
Commercial Break

Charade. Yan ang paborito namin nung Hay Skul. Kapag walang teacher, charade. Kapag break, charade. Kapag may pakulo sa reporting, charade pa rin. Wala kamatayang charade. Minsan nagbabasaan ng tubig kapag napatambay sa may Pascual Road. Minsan naman nagaasaran lang. Kung saan ang simpleng asaran kung minsa’y nauuwi sa hindi pagkakaunawaan. Mula sa isang maliit na usok, nagiging isang malaking sunog. Bwahahaha!!!

Maituturing na mga batang isip pa kami noon. Ngayong nasa 21st century na at nasa 20+ something na ang mga edad, natural marami na ang nagbago. Lahat kami naranasan ng uminom. Pero in fairness, karamihan sa amin ay hindi naman nalalango. Oops! Ewan ko lang din. Hehe!
***************
Kill Joy?

Balik tayo sa main topic.
Allergy. Oo, allergy ang pangunahing dahilan kung bakit ako hindi pwedeng uminom. May ilang tao ang nagpayo sa akin na mawawala rin ang allergy ko kapag uminom ako uli. Aba, may ilang beses ko na rin sinuway ang payo ng aking doctor pero wala naman nangyari. Pantal, init ng katawan at pangangati lang ang inabot ko. Hindi lang yon, may kasama pang maikling sermon mula kina mama at papa. Yan ang napapala ng mga taong matigas ang ulo at walang kadaladala.

Ayokong maging KJ. Pakikisama ang pangunahing dahilan kung bakit ako umiinom. Sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang lasa ng anumang alcoholic beverages na available sa malapit na tindahan at SM Supermarket. Ngunit, subalit, datapwat minsan kailangan eh.

***************
Ang Allergy at Ang Mabisang Droga

Isang gabi, matapos ang toxicity sa opisina nagtreat ang isang big boss. Yinaya ang mga sekretarya na magdinner sa dinadayong restawrant na malapit sa may ABS-CBN. Ang daming inorder. Solve talaga ang mga kumakalam na tyan. Masarap talaga kapag libre. Tapos eto na, umorder na si bossing ng San Mig Light at Red Horse ata yun. Naglabas naman si ate. Napuno ang mesa ng mga baso’t bote na dati’y puno ng pinggan ng kanin at ulam. Iniabot ng isa pang bossing ang dalang anti-allergy tablet at pinainom sa akin. Believe it or not kahit sa San Mig Light pinapantal ako. In all fairness, effective naman. Nakauwi naman ako ng hindi bangenge at may normal na temperatura.
***************
Hapi Beerday 2 u!!!

Sa ano mang party o espesyal na handaan, siguradong (o madalas) hindi nawawala ang inuman. Kahit nga children’s birthday party pa eto siguradong kasama sa budget ang ilang case ng beer o isang bote ng Grand Matador o Gin tapos hahaluan na lang ng orange juice o any juice na nasa tetra pack. Kapag medyo sosyal, may imported wine or champaign na kapag naalog ng husto ang bote sumasabog ang bula na parang bomba. Mga terorista siguro ang nagpauso ng champaign. Ano sa tingin nyo?

Sympre, hindi naman para sa mga tsikiting ang isang case ng beer. Para yan kinamommy at daddy, kumpare at kumare, tito at tita, lolo at lola, pati ilang malalapit na kapitbahay. Minsan nga sa children’s birthday party para bang mas marami pa ang oldies kesa sa mga invited na kids. Wala pa sigurong FS si baby. :p
***************
To be continued…
.
Read:

1 Speak:

Life Moto said...

wow nalasing na ako dito sa kwentohan sa inuman. Ito lang ang masarap yung may magandang storyanhan at kantahan. wag lamang mauuwi sa asaran,pikunan at kung anu-ano pang bunuan.
Ako ok na ung may tama ng konti at maraming pulutan!

Popular Posts

Archive