Last na to...
.
Huling Patak; Huling Lagok
Lumalalim na ang gabi. Hindi namamalayan ng magkakabarkada na isa-isa nang nagpapatayan ng ilaw ang mga kabahayan. Nang mapansin nila ang patuloy na pagdilim ng kapaligiran ay nagdisisyon silang patayin na ang videoke bilang paggalang sa mga kapitbahay. Nagpasya na rin silang tig-iisang tagay na lang at tapos na ang sesyon para sa gabing iyon. Pangamba kasi ng ila’y maoutside de kulambo sila pagdating nila sa kanikanilang tahanan.
Makalipas ang ilang minuto…
Wala ng laman ang bote. Isinauli na ito kay aleng Nena kasabay ng pagsara ng tindahan. At isa-isa na ngang umuwi ang lasing na magkakaibigan. Gumigewang si mamang patpatin; samantalang si manong brusko’y nasa tamang ulira’t pa naman. Si macho gwapito nagmukhang dukyot habang akay-akay ang nasusukang kumpare na nakaakbay din sa malakas lakas pang katropa.
_______________________________________________________________

Wag mag-deny; Don’t tell a lie!
Sa totoo lang iba-iba ang mga eksena kapag may inuman. Minsan may halong tugtugan. Ngunit kapag hindi available ang electronic machine ay nakukuntento na sa pag-awit kasabay ng himig ng gitara. Kung walang gitara masaya na rin sa simpleng kwentuhan kung saan samu't saring usapin ang natatalakay. May ukol sa personal na buhay; minsan naman ay nagagawi sa buhay ni Juan o kaya ni Pedro. Sabi nga nila kung sino ang wala sya ang pinaguusapan. Wag magdeny; Don’t tell a lie!
Napupunta rin ang talakayan sa trabaho, eskwela, pulitika, ekonomiya at sympre showbiz. Pag showbiz na kasi ang topic parang lahat nakakarelate mapababae man o lalaki. Ang hihilig kasi natin sa tsismis. Wag mag-deny; Don’t tell a lie!
May mga ilang mga pagkakataon din na naglalaro ang magkakatropa. Ilan sa mga suki ay ang truth and consequence. Sabi nila kapag nalalasing ang isang tao hindi ito marunong magsinungaling.Marahil ito ang dahilan kung bakit nauso ang larong ito kapag may inuman. Naku po, sa isang iglap nabubunyag ang mga lihim. Wag mag-deny; Don’t tell a lie!
Popular din ang larong gamit ang baraha. Tong-its, Pusoy Dos, Lucky 9, Unggoy-ungguyan o Pares-Pares at ang pinakamaingay na laro sa lahat ang 1-2-3 pass. Dito pabilisan at utakan ang labanan. Dito, kailangan physically fit ka rin lalo na ang mga daliri dahil kung hindi ito matibay tiyak bali-bali ang aabutin mo kung tuloy-tuloy ang laro. Singitan ng daliri wag lang malagyan ng powder sa mukha o maging taya sa Truth or Consequence o tumagay ng extra shot. Advantage sa kin dahil maliliit lang ang mga daliri ko kaya dapat alisto. Ibagsak ba ang kamay sa gitna kahit di pa nakakabinggo. Wag mag-deny; Don’t tell a lie!

O Tukso Layuan Mo Ako
Kapag nakalabas na ang serbesa, sari-saring tukso na ang dumarating sa harapan. Anjan ang lechon, krispi pata, inihaw, corned beef, junk foods, nilagang mani at kung anu-ano pang pagkain na mayaman sa kolesterol. Kaya siguraduhin munang malakas ang resistensya bago sumabak sa gera kundi siguradong high blood ang aabutin mo. At malamang kung di ka matibay-tibay sa doktor ang bagsak mo.
Sabi nila, kapag nalalasing na ang tao madali na itong makalimot sa sarili. Ito rin ang ginagawang dahilan kapag nagkakasala ang isang tao(u know… the three letter word… u know). Ewan ko pero para sa ‘kin hindi ito acceptable. Ang linya: “Nagawa ko yon dahil lasing ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko” Stupid Excuse!!! Naks! Kung makapagreact. Hehe! Sa buhay ko hindi ko pa naman ito naririnig ni minsan nakakairita lang talaga kapag naririnig ko sa t.v. Ikaw ba? Anong reaksyon mo dito? Stupid di ‘ba? Di ‘ba?!!!

Pasaway!!!
May iba’t iba ring senyales kapag nalalasing na ang isang tao. Merong naduduwal. Ihi ng ihi. Nagsasarisari. Inaantok. Gumigewang gewang. Atbp. Senyales na rin ito na malapit na matapos ang inuman. Kung sa bahay ng kaibigan, minsan wala ng uwian. Kung sa beerhouse, nagpapara na lang ng taxi para makauwi; kung may sasakyan, may ilang natutulog muna at nagpapatanggal ng tama pero meron ding mga pasaway nagmamaneho pa rin kahit lasing. Mga Pasaway ang dami nyan!
Marami na ring road accidents ang naitala dahil sa pagmamaneho ng lasing. Konting disiplina naman mga Chong! Hindi lang buhay mo ang nakataya pati buhay ng inosenteng tao maaaring madamay dahil sa simpleng kapabayaan. So Please Don’t Drink and Drive!
Malapit din ang away kapag may inuman. Na minsan nagiging dahilan ng seryosong di pagkakaunawaan ng magkakaibigan. Makalipas ang ilang minuto’y meron ng sigawan, riot o kaya’y patayan. Nakakalungkot mang isipin pero ito’y may katotohanan. Ang masayang simula minsa’y nauuwi sa karahasan. Ang sad, di ba?

Confession
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit sa dami-dami ng topic na maari kong pagtuunan ng pansin ay ito pa ang pinagdiskitahan ko. Lalo na’t hindi naman ako umiinom.
E, bakit nga ba?
Ano man ang dahilan marahil ay hindi na mahalaga sa ngayon. Basta may ilan lang akong nais paalala:
(1) Ang alak sa tyan linalagay hindi sa utak.
(2) Siguraduhing ilock ang door kapag matutulog na
(3) Wag ipunin ang bote at gawing tapunan ng upos ng sigarilyo
(4) Wag sanang araw-arawin. Pwede?
(5) Kung iinom siguraduhing kayang gumising ng maaga para hindi makaabala sa iba...
Bato bato sa langit ang tinamaan sapol!
Cheers! :)

Read:
0 Speak:
Post a Comment