Sunday, August 9, 2009

Pare, Shumat Ka Muna (Part II)

Did you know that?

Dagdag Kaalaman Tungkol sa Beer

Alam nyo ba na ang pinakamurang beer sa buong mundo ay nagkakahalaga lang ng 10p a pint or 0.473 – 0.568 L or 473-568 mL (depende kung US Customary Unit or British Imperial Capacity Measure ang ginamit )? Ang 10p or 10 penny or £0.1 base sa computation ko sa XE.Com ay nagkakahalaga lamang ng six Pesos at fifty five centavos (P6.55). Ganoon pa man, bagamat mura ang presyo ito ay matatagpuan lamang sa bansang Somalia kung saan maraming nabibihag na mga Pinoy at talamak ang gera. Type mo?

Ang Jacobsen Vintage No. 2 na nagmula sa bansang Denmark naman ang itinuturing na pinakaexpenive na beer sa buong mundo. Ito ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang na $367 kada isang bote o P17,284.14 kung ikoconvert ito sa pera ng bansang Pilipinas.

Did you know that?

(Source: thesun.co.uk, ballerhouse.com at printprice.com)
_______________________________________________________________
Usapang Alak Naman Mga Noypi

Alam nyo ba na dito sa Pilipinas, humigit kumulang 10% ang tinataas ng dami ng umiinom ng alak kada taon? Taong 1995, naitala ang mga Pilipino bilang number one wine drinker sa buong Asya. 146,000 na bote lang naman ang nalaklak ng mga Noypi. Taong 2005, nagimport ang ating bansa ng halos 7.5 million liters ng grape-based wine. Kung ang mga impormasyong nabanggit ang pagbabasehan, kapansinpansin na mahilig din sa alak ang mga Noypi. Mas mura lang kasi ang beer at mas malakas ang tama ng alak kaya mas in pa rin ang beer sa tindahan ni aleng Nena.

Did you know that?

(Source: apapaonline.org at ats.agr.gc.ca)
_______________________________________________________________
Wine Museum in the Philippines

Alam nyo ba na merong Wine Museum sa Pilipinas?

Ito ay itinatag ng magkakapatid na Joseph na sina Ralph, Bobby, Ronnie and Raymond. Ito ay matatagpuan sa No. 2253 Tramo Road, Pasay City. Ang museum na ito ay may apat na palapag. Ang unang palapag ay restaurant and wine bar. Sa ikalawang palapag ay ang Wine Education Center. At ang ikatlo at ikaapat na palapag ay hotel rooms na para sa mga taong hindi na kayang magmaneho. Kakabilib di ba?

Did you know that?

(Source: manilastandardtoday.com)
_________________________________________________________________________
To be continue...
.
Read:

Related Posts:

  • Namimiss ko ang P1.50 Sa panahon ngayon, ano bang mabibili mo sa halagang P1.50? *Candy? Tatlo dalawang Piso na. Maliban na lang kung payag kang bumili ng Piso-isa. *Isan… Read More
  • Pare, Shumat Ka Muna (Part I) Para sa mga lasenggero sa kalye, mga tumador sa may kanto, social drinker, alcohol addict, oenophile, boozers, drunkard, bartender, bata, matanda, … Read More
  • Death (Edited) Death is the word that I dreaded the most. Actually I'm not really afraid of dying (Because there is such a thing as heaven and hell) but on the mann… Read More
  • Tsk Tsk TskKulot noo. Salubong na kilay. Iiling-iling na ulo.DISMAYADO! Yun na.Scene 1Signal No. 2Malakas ang ulan at hangin.Flash Report: Elementary and High Sc… Read More
  • Terrorism in Mindanao 3 teachers kidnapped in ZamboangaBy Julie AlipalaMindanao Bureau Inquirer.net / 01-23-09 5 MILF, 2 soldiers killed in clashes in Maguindanao By Jo… Read More

0 Speak:

Popular Posts

Archive