by Jordg
.
Naglalakad kami sa may Sylvia street corner ng ayala boulevard…. Katatapos lang yun ng klase ni sir pangilinan…. Kuwentuhan siyempre… kasi may nag-report na naman na isinulat ang buod ng report sa manila paper…. Eh di eto na…. nagiisip na ng kakainin si yheng… naisip ni yheng.. ano kayang uulamin niya sa araw na iyon dahil ayaw niya mag-baboy… for some reason, hindi ko makuha ang logic ng pagka-ayaw niya sa baboy eh yun ang universal ulam naming dalawa dahil irita kami sa pagkain ng isda dahil nakakatakot ang hitsura ng pagkakaluto sa may kakainan naming na pugad ng fraternity members…. Eh di sabi ko kay yheng, bakit hindi ka kumain ng baboy for a change… biglang sabat si mean ng…. “san ba tayo kakain yheng”….. (gusto ko sabihin kay mean, ano ka ba te, nasa Sylvia na tayo papunta sa regular na kinakainan, ngayon ka pa nagtanong….) nainis yata si yheng at hindi sumagot… si mean na lang ang sumagot sa tanong niya… “ah alam ko na, sa plato tayo kakain….” (oo alam ko corny to, pero kung nasa sitwasyon ka, malamang nanghiram ka ng portable toilet dahil hindi mo na kayang i-tolerate ang sakit ng tiyan mo sa kakatawa)…
0 Speak:
Post a Comment