Monday, February 9, 2009

Pila sa Enrollment sa may College of Science ( Payment Receiving Area )[Sequel of Hilarious Laglagan sa Ere]

by Jordg
.
Eto na…. eto ang magandang part ng pagsisimula ng klase kasi di pa nagsisimula ang bagong semester ay talamak na ang “Kadugasan at Kagalingan sa Pag-arte” upang maiwasan ang pagpila ng mahaba upang ma-maximize ang oras ng paglakwatsa sa SM…. Nakapila na ang lahat….. lahat ng BAM-IM na nasa 3rd year…. Yun nga lang may kasabay tayong ibang college… COS right? Naknamputsa naman ang haba ng pila…. Humaba na rin ang pila kasi yung mga in-charge na profs a enrollment ay suma-sideline ng subo ng sandwich at saging sabay inom ng buko pandan…. Kilala mo na ang nasa unahang bahagi ng pila… ang mga taong ka-close ni Haring Araw para hindi ma-late… Si joan R., Cheryl, Cecille at Cecille Sta. Ana, Flora Joy, Doths, Gold, Koya Idgar, and the rest ng klase eh History… History talaga dahil nakatatak na sa History Book ang Record when it comes to “Early Bird Topic” pero bakit hindi ko nakita sa listahan ang pangalan ni yheng? Dahil nung araw na yun eh… LATE siya at isa ako sa maaga… bakit ako maaga? Kasi…. Galing ako ng Cavite ng araw na yun at ibinaba ko muna sa boarding house ang pang-isang dekada kong gamit…. Eh di nasa pila na ako… text kami ni yheng tapos merong drop call pa para tipid… “oi puking ina ka yheng, sang lupalop ka na ng impiyerno at bakit wala ka pa?” ang yheng… “letse ka traffic dito sa may Uste, nakakainis naman….” Oh sige bilisan mo….” Oh di sige kausapin mo si Manong Driver na bilisan niya…” to cut the story short…. Dumating na si yheng na kasabay si joy….. nasa pila ako…. Eto, walang practice ito… na-foresee lang siguro nina joy at yheng na kung dadaanin nila sa legal na pamamaraan ang pagpila at paghihintay ay aabutin sila ng siyam-siyam at gagabihin at hindi makakapag-mall… pagkahanap sa akin nina yheng at joy…. Sumigaw ba naman ng:
Yheng: jordg, ano ba yung pila natin parang hindi nausad…
Joy: oo nga…. Nakakain na kami’t lahat nandiyan ka pa rin sa pilang yan…..
Yheng: bakit ba hindi ka dumiskarte diyan jordg….
Jordg: natahimik at natameme… ang sabi ko kay yheng… “ano kaya yheng kung gawin ko at this very moment yung Hilarious Laglagan sa Ere… what do you think?
Yheng: si kuya naman hindi na mabiro…..
Sabay singit na sa pila at umarangkada na ang mga parinig sa amin at okrayan sa pila ng mga taong unique ang hitsura that day……

0 Speak:

Popular Posts

Archive