Sunday, February 8, 2009

Super Rona at Ding.... Bilisan Mo ang Charger at ang Bato....

by Jordg
.
Meron akong istorya na involve si daddy mores at si mommy mores…. Dito yata nag-bloom ang pamilya mores… eto yung time na pinipilit kong maging mabuting gobernador sa mga constituents ko… hahaha…. Pota…. Anyway balik tayo sa topic.. dahil si Rona ang Sexsetary ng Liberal Arts Student Government, isinama ko siya sa General Trias Cavite (na sobrang layo din dahil 20 minutes drive lang siya sa Tagaytay sa North at Amadeo sa South… ) eh die to na…. excited si rona ng sabihin ko na may pupuntahan kaming mga companies for our Plant Visit… sabi niya… “sige jordg, join ako diyan…. “ tapos eto pa ang sumunod na noramal na sagot at tanong kay rona na sobrang haba, na ang isasagot mo lang ay “OO”.. sabi niya…. “san ba yan jordg?, ano oras tayo aalis? San tayo sasakay? Sino pa kasama natin? Ano sasakyan natin? Ano oras tayo makakablik ng manila? Ihahatid mo ba ako pag ginabi tayo? Teka lang, magaayos muna ako… samahan mo muna ako sa cr baka may boys akong makatabi dyahe naman kung medyo lapse na ang hitsura ko….” Nabanggit niya yang pagkahaba-habang tanung nay an sa 2o seconds lang… I swear ganyan talaga kabangis si rona pagdating sa “Bibig Marathon”… ang sagot ko lang sa kanya kasi napanisan na ako ng laway at hindi ko talaga kinaya ang powers niya sa “atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu bibig marathon energy niya….. eto pala ang sagot ko…. “BASTA….” Eh di ang sagot ni rona…. “OK”, basta ha… tapos sabay tawa ng pagkalakas-lakas na para bang gusto niyang buhayin ang mga bangkay na nakalibing sa College of education Building…. Eh di nasabi ko na nga ang plano… sakay na kami ng San Agustin na Bus na byaheng Dasmarinas Cavite…. Eh di nasa bus kami…. Wala akong choice kung hindi makipag-marathon din sa kanya ng kuwento kahit pagod na ako sa katatapos na klase at yung paglakad namin from TUP sa Lawton. Eh di humapo ang bagyo kakakuwento… akala ko nakaidlip na siya… hindi pala, nag-recharge lang pala gamit ang Fast Charger…. Umariba na naman sa kuwento kahit marami ng nakatayo (dahil tayuan ang biyaheng San Agustin, pero kami nakaupo kasi sa Lawton kami sumakay). Feeling ko nga naiirita na yung katapat naming tatluhan na upuan kasi dinig hanggang sm manila ang kuwento niya kahit nasa Toll gate na kami ng Coastal… hahaha….. tapos medyo napagod yata si rona… nakatulog na…. nakapagpahinga rin ako kasi hindi ko talaga kinya yun dahil hindi naman Fast Charger ang gamit ko…. Nung nakababa na kami ng Dasmarinas, sabi ni rona, “malapit na ba? Sabi ko, “hindi ko alam, itatanong ko muna sa mama”… sabi niya, “ano? Hindi mo alam, kanina pa tayo bumibiyhae jordg… napagod na pwet ko sa kakaupo” sabi ko… napagod pwet mo, eh yung bibig mo walang kapaguran”…. Ayun balik ang smile ni rona baby… sakay ulit kami ng jeep papunta ng manggahan general trias…. Eh di nasa jeep na kami… si rona merong napansin na parang suspicious looking… naku jordg, tingnan mo yung mama,,… “rona pag tiningnan ko yan, malamang kahit hindi siya kriminal, baka mapilitan yan kasi paranoid tayo. Eh di tahimik na kami… nung nakababa na kami sa manggahan, sabi ni rona, “jordg, gutom na ko”… sabi ko, rona wala pa tayong nasisimulan at kumpleto pa rin yung 20 letters na ipamumudmod natin sa mga companies… magandang pang-down pala sa spirit ni rona ang gutom para tumigil siya sa atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu….. hahahaha….. eh di eto na, pagbaba namin ng gateway, we did not anticipate na lalakad ulit kami at layolayo pala ang mga companies dun kaya hayun… lalong napagod at tahimik si rona while searching for our luck…. (lucky me) Natapos na yung 20 n letters… may mga bigong company, may mga company na ang guard ang nagde-decide kung papayagan tayong mag-plant visit, may company na parang royal blood lang ang pwedeng pumasok dahil ginto yata ang flooring, meron namang mag-eenjoy ka pagpasok kasi para kang bumaba ng bundok, tapos hirap ka pabalik dahil paakyat (eh hindi ka namn nag-training para lumaban kay pacquiao), meron ding mabango sa labas, meron ding nakaka-suffocate, meron namang parang gigiba na sa 1 palito ng posporo…. Tapos sabi ni rona, nung pabalik na kami ng manggahan at pasakay pabalik ng lawton, “jordg, nagugutom na talaga ako” wala akong choice kung hindi magpakain kasi Kasama naman talaga sa plano yun at standard yun na magpakain ka provided na may resibo…. Kasi i-reimburse ng OSA. Hahaha… eh di kain kami sa McDonalds… di ko na matandaan yung kinain ni rona, basta ako value Meal Number 1… ang default na ino—order natin… hahaha…. Tapos, kinabahan na naman ako nung medyo nangalahati na si rona ng kain kasi full charge na naman si rona baby…. Tahimik lang ako…. Ayun na, umariba uli…. Maraming kumakain din kasi labasan ng mga company… may mga galling ng Gateway na nag-work sa Intel, Cypress, government Agencies, Schools, etc…. atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu… atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu…. Atsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsutsu… ulit ang nangyari…. Nangalay na ulit ang panga ko kahit ang response ko lang normally ay “OO nga” at “Siguro”…. Kaya ayun, nag-takeout ako ng Hot Fudge (kasi naniniwala ako na pang-paalis ng depression ang chocolate) eh depress ako kasi low bat ako that time at si rona, full charge, di ko masabayan…. Ayun na, sabi ko sa kanya nung nasa manila pa lang kami papuntang cavite, ihahatid ko siya pauwi pag ginabi kami…. Ang nangyari, sa boarding house nga ko umuwi pero hindi ko na siya nahatid sa blumentritt…. Alam niyo ba ang dahilan, hindi dahil sa napagod ang paa ko kakalakad at pwet ko kakaupo sa biyahe, kung hindi yung talk marathon ni rona at yung depression ko na hindi ko natapatan ang World Record Performance niya nung araw na yun…. Hahahaha/….

1 Speak:

Rej said...

hay naku jordg ang sabihin mo paspecial ka talaga. LOL!

kala ko di ka man lang magpapakain. kung di siguro pwedeng ireimburse un, di mo maiisipan magMcDo. Haha!

Popular Posts

Archive