by Jordg
.
Eto ang isa sa mga pinaka-favorite kong escapade namin ni yheng…. Klase ni ms galiga (ok lang naman mag-play ng name-names…. ) nung umagang yun… I guess 9am yun… 1st subject natin yun at fresh na fresh ang lahat at parang ¾ ng klase ay bukod sa basa pa ang mga buhok eh katatapos lang kumain sa tayoman… sa kaso ko hindi, kasi lagi akong buzzer beater dahilgaling ako ng boarding house, diretso na sa room, wala ng kain-kain dahil mahirap hindi makapag-present sa attendance… kumpleto na ang lahat sa loob ng senyasan ko si joy ng “gutom”… (si yheng kasi kumakain na sa bahay yan bago umalis) sabi ko… “joy, kain tayo sa tayoman, kumain ka na?”, ang sagot ni joy (na kahit alam kong kahit papaano eh may laman na ang tyan niya), “hindi pa nga jordg eh”… ok, pagkakataon na ito…. Eh di bumubuwelo na kami ng eskapo sa pinto sa likod ng room (kasi dib a, dalawa ang pintuan natin sa CLA?)… huling hakbang na lang at glorya na sana ng bumanat si yheng ng…..

“LANUZA-LEMITA, san kayo pupunta? May pintuan kaya sa harap…”
ng pagkalakas-lakas….. sabay seryosong mukha na nang-aasar…. Ang siste, napatingin si ms. Galiga… ang sabi ko na lang… “mam, tinitingnnan ko lang po sa baba kung nandiyan na si gichelle kasi hiniram niya po yung fundamentals of management book ko….” Yang bagay na yan ay tinatawanan lang namin dahil yan ang tinatawag na “Hilarious Laglagan sa Ere”….
0 Speak:
Post a Comment