Sunday, May 17, 2009

Bro, Namiss Mo Ko No?

Alas sais ng umaga, nagalarm ang celfone. Bumangon. Nagtoothbrush. Pumunta sa dining table. Nagtimpla ng kape. Hiningi ang torones na dapat ay para sa kapatid. Nakipagkwentuhan sa mga magulang. Sasama dapat sa simbahan.

Pero ano nangyari?

Eto ako ngayon, kaharap ang monitor. Nagupload ng mga pictures, gumawa ng bagong album, binago ang Post Shoutout at nagupdate ng profile. In short, nagbabad sa Friendster. Ang agang nagadik.

Gumising akong masakit pa rin ang tyan. Ok ka ba tyan? Nairaos ko na nga itong keme kagabi. Umupo sa trono medyo gumaan naman ang pakiramdam. Pero pagising ko, shucks kumukulo pa rin! Ano kaya ang nakain ko? O baka dahil sa tubig? O baka dahil sa sobrang stress. Ewan ko. Pati buhok ko sobrang dry na. Marahil ay nakikiramay sa emosyonal na dinadala. :(

Pano na ko bukas?

May pasok dapat pero wala ng patutunguhan. Siguradong mamimiss ko mga estudyanteng naghahangad na gumanda ang boses at sympre ang mga mudrang kachikahan lalo na kapag nakakaantok at walang available na kape. Hayyy! Ang 5-8 hours na byahe araw-araw wala na rin. Hindi na pagod ang katawan ko at hindi na rin lalagpas sa bababaan dahil napahimbing ang tulog. Ganun pa man, hindi ko na mararanasan ang malibre ng driver at kondoktor ng Dela Rosa Bus. Pati ang skyway hindi ko na rin matatanaw.

Ano ibig sabihin nito?

May time na ko ayusin ang kwarto, mamalantsa at maglinis ng buong bahay. Makakatulog na rin ako ng mahabahaba. At higit sa lahat ang magdasal. Iniisip ko nga, siguro talagang namiss ako ni Bro. Maraming beses kasi akong nakalimot. Namiss ko nga rin sya eh. Bro, sorry na. Usap naman tayo…
Oops! hayaan mo bro, handa akong makinig! Hindi magiging matigas ang ulo ko ngayon. Promise yan!

0 Speak:

Popular Posts

Archive