Tuesday, June 20, 2006

Tatak TROPATITS

Pano mo malalaman kung kasapi ka ng Tropatits?

Kasapi ka ng Tropatits kapag nagmula ka sa ibang grupo at dahil sa hindi malamang kadahilanan ay napaupo ka sa fourth and fifth row left column facing the blackboard of room 208.

Kasapi ka ng Tropatits kapag alam mo na “Shohoku Team” ang
unang ibinansag sa tropa. Alam mo rin na labindalawa ang orihinal na bilang nito.

Kasapi ka ng Tropatits kapag kasama ka dun sa nagover night sa Pasig. Hindi ka nakatulog ng maayos dahil may narinig kang kumalampag sa gate at natakot ka dun sa picture ng bata na may malaking mata. Nalaman mo na may katropa kang nagagalit kapag nasagi ang paa habang natutulog. At nakipaglaro ka ng basketball instead na full focus sa practice.

Kasapi ka ng Tropatits kapag tinatawag kang bakla pero wag ka namumukadkad ang mga love life. Yun nga lang kadalasan laging bigo dahil sa third party, naglalaho bigla, o kaya napagkakamalang bakla. Pero in fairness, may isang nagmamaganda. Going strong (?)!

Kasapi ka ng Tropatits kapag astig kang mamuna ng gawa ng katropa mo. Sanay kang tumanggap ng isang dakot na panlalait, isang dusenang paninira, at gabundok na sermon kapag may mali kang nagawa pero nakapako pa rin ang pwet mo sa row four and five.

Kasapi ka ng Tropatits kapag takot kang maging lider ng grupo. Hindi mo alam ang salitang Work Ethics at hindi ka marunong magseryoso pero sa huli ang grade nyo ang halos parating highest at napupuri ng mga professor. Lupet di ba?!

Kasapi ka ng Tropatits kapag wala kang ibang alam gawin kundi tumawa, magkwento, manlait at magjoke. Na kahit hindi mo kaclose ang katabi mo e natatawa pa rin sa’yo. Kaya kahit tubuan ka pa ng kamote sa ulo dahil hindi mo makabisado ang formula sa Math ayos lang basta narinig mo ang bagong joke.

Kasapi ka ng Tropatits kapag ang first and last stop mo ay ang CR. Kilala ka sa pagiging babeng walang pantog na halos pagkatapos ng isang subject e diretso agad sa CR; na kapag mahaba ang pila handang dayuhin ang lahat ng CR kahit makarating pa sa sm fourth floor.

Kasapi ka ng Tropatits kapag ang laman ng bag mo ay suklay, salamin, powder, make-up, at lipstick. Hindi na bale makalimutan ang ballpen at papel may mahihiraman at mahihingan naman. Conscious ka rin sa iyong buhok. Pagkatapos ng isang subject sinusuklay mo ang buhok mo. Narating mo pa nga ang Novaliches makamura lang sa pagpapastraight.

Kasapi ka ng Tropatits kapag naranasan mong mapagalitan ng guard ng dahil sa ID. Minsan ka ng nadala sa OSA at muling nakipagtalo sa guard - nanindigan, natakot ngunit muling nanindigan. Nanilbihan ka rin sa OSA para may pang extra o bilang parusa sa pagtampered daw ng ID picture.

Kasapi ka ng Tropatits kapag naturingan kang “Noisy” at hinamon ka ng suntukan ng professor mo. Tapos naisip mo ayaw mo dahil pareho naman kayong girlaloosh kaya mas maganda kung sabunutan na lang di ba?!

Kasapi ka ng Tropatits kapag kumakain ka sa Penny’s, sa Tayoman, sa Okei Fine at kapag enrolment sa KFC . Nagaambag ka para sa dalawang bote ng Pepsi ; matipid ka sa ulam pero nakakaubos ka ng tatlong kanin ; at kahit fishball, kikiam at squid ball lang sa pananghalian solve ka na.

Kasapi ka ng Tropatits kapag parati kang late dahil puyat ka sa trabaho, gumimik ka, tinatamad, walang pamasahe o kaya nagtatae; dahil kahit late ka may attendance ka pa rin o kaya confident ka na may kakalat na kodigo kaya ayos lang.

Kasapi ka ng Tropatits kapag naging favorite mo ang walang kamatayang “I’ll Be” at inabangan mo ang next Edition ng mga stories na kinuha mula sa internet at pinaphotocopy mo ito para may sarili kang kopya.

Kasapi ka ng Tropatits kapag galing sa inuman naiiba ang takbo ng iyong kaisipan at nagsasalita ka ng “Kuckoo” at kapag umuwi kayo ng later than 10 pm nakatanggap ka ng tawag mula sa nanay ng katropa mo.

Kasapi ka ng Tropatits kapag kilala mo lahat ng heartthrob sa TUP at alam mo kagad kung bagay sa kanya ang bagong gupit na buhok. Naranasan mo ring tumayo sa tapat ng national Bookstore para maghintay sa boyfriend o kaya makipag EB.

Kasapi ka ng Tropatits kapag “krisis” ang tawag mo pag wala kang pera at kapag hindi ka nasuklian ng piso nahihirapan kang huminga. Kapag may contribution ang grupo magrereklamo ka muna bago ka magbigay o kaya tatawad ka kahit konti.

Kasapi ka ng Tropatits kung nakarating ka na sa boarding house sa Pasay. Naranasan mong makarinig ng pagdadabog mula sa mga nangungupahan pero dahil katropa mo ang anak ng may-ari hindi ka marunong matakot.

Kasapi ka ng Tropatits kapag may nakatampuhan ka sa grupo. Naranasan mong makipaghabulan, maisnub, at sumama sa dating grupo. Nalito ka kung san ka nga ba kabilang pero bumabalik ka dahil nasabi mo sa sarili mo
Tropatits, Is Where I Truly Belong.” Na kahit Kapamilya ka, join ka pa rin sa tropa. Iba kasi and tibok kapag, Kapuso!

At higit sa lahat, kasapi ka ng Tropatits kapag alam mo lahat yan.

0 Speak:

Popular Posts

Archive