Tuesday, June 20, 2006

Richard + Lucy = Julianna

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kina Richard, Lucy at Julianna? Yan ang pamilya Gomez – isa sa pinakakilalang showbiz family ngayon. At dahil kilala ang mga Pilipino sa panggagaya syempre meron ding sariling version ang BAM-A.

Ipinakikilala ko sina Richard, Lucy at Julianna Mores – ang pamilyang biglang umusbong ng hindi inaasahan. Halina’t kilalanin natin sila isa-isa.
Richard Mores a.k.a. Daddy Mores – ang haligi ng tahanan. Siya ang madalas na nagpapasya kung saan tutungo ang pamilya. Bubukod ba o sasama sa ibang myembro ng barkada? Siya rin ang nagtataguyod ng mga jokes na nagbibigay buhay sa mga naliligaw na kaluluwa. At higit sa lahat, siya ang tagapagligtas kapag tinatamad pumasok sa eskwela.

Lucy Mores a.k.a. Mommy Mores – ang ilaw ng tahanan. Ang naghahain ng mga kwentong totoo at kwentong barbero. Walang inuurungang lakaran; Walang kapaguran sa anumang kwentuhan; Walang sawang nagbibigay sigla; Kakayanang s’ya lang ang may kaya.

Julianna Mores a.k.a. Baby Mores – ang supling ng pamilya. Ang tagapakinig at tagatawa ng ama’t ina. Ang kasakasama sa paggala ngunit tumatakas at sumasama din sa iba pang barkada. Mukha siyang tahimik. “Hindi makabasag pinggan” ika nga. Yun pala nagmana rin sa kanila.

Silang tatlo ay tila ipinigbigkis ng tadhana. Biglang nakilala ngunit agad ding nalaos. Bakit kaya? Dahil din kaya sa tadhana? Ano man ang dahilan marahil ay hindi na mahalaga. Basta lagi n’yo na lang isaisip ang equation na:

Richard + Lucy = Julianna


Yan ang pamilya Mores. Totoo noon. Equation ngayon.

ECHUSA!!!

Related Posts:

  • Meet Jen - The Ultimate Survivor Yellow is her favorite color It denotes joy and delight Yellow is Jen Cheerful and full of life. Chocolate is her weakness A certified swe… Read More
  • Tuesday Meet and Greet - May Holds a GunHousehold chores were at the least of her expertise. Extra curricular activities didn’t excite her at all. Being in a private 3rd class in CAT was a n… Read More
  • My Gift, My Only Gift We couldn’t believe the big day has passed byJust yesterday Tropatits were just sitting in two rowsPretending that we're listening to our… Read More
  • Nostalgia This is a post from one of my blogs that has long been forgotten. Let’s take a break from my sentiments… Mainit pa rin kahit malapit na ang Christmas… Read More
  • Onli in BAM-A (Re-Post) Ikaw ay legitimate BAM-A kapag… Kabisado mo ang mga salitang “Whatever,” at “Pichi-pichi;” ang linyang “Subukan nyong tumahimik ng 10 seconds…;”… Read More

0 Speak:

Popular Posts

Archive