1. Ang sakit!
Ito ang initial reaction ng halos lahat ng naghihiwalay na nagmamahalan. Kung hindi mo ito nabanggit hindi ka tunay na nagmahal.
2. Bakit nya ko iniwan?!
Ito ang linya ng mga medyo low ang self-esteem. Pakiramdam niya ay ibinigay naman ang lahat ngunit sa huli ay lost pa rin ang beauty. Walang third party na involve. Basta hindi ka na nya love. Ganun.
3. Linoko nya ko!
Ginamit. Sinamantala. Inabuso. Binilhan ng bagong celfone. Ginastusan ang mga date. Isinuko ang bataan. Samakatuwid, ibinigay ang lahat ngunit sa huli iba ang iniharap sa altar. Wawa ka naman.
4. Tama na!
Ito ang linyang bunga ng hindi magandang relasyon. Pag-ibig na puno na pangunawa ngunit inabuso at umabot sa sukdulan.Mahal ang isa’t isa ngunit wala ng patutunguhan ang relasyon.
5. Marami pa dyang iba.
Ito ang linyang nanghihikayat sa sarili na wag mawalan ng pag-asa. Bitter pero handang magmahal muli. Move on agad ang drama.
6. It’s his/her lost not mine.
Confident. Ito ang linya ng mga hiniwalayan o biglang iniwan pero walang marka ng bitterness. Kadalasan sila yung pinagpala ng kagandahan at kagwapuhang mukha dahil alam nila na marami pa ang mahuhumaling sa kanilang alindog.
7. Babalik ka rin.Another confident. Pumayag makipaghiwalay kahit mahal na mahal nya. Dahil ang paniwala niya'y wala siyang katulad saan man sa mundo.
8. Wala naman tayong choice.
May halong bitterness pero walang choice. Ito yung linyang ginagamit sa mga long distance relationship. Hindi kinaya ang set-up kaya hiwalay na lang kung hiwalay. At ang follow-up: Kung talaga namang para tayo sa isa’t isa magiging tayo pa rin sa huli.
9. Sana maging friends pa rin tayo.
Ito ang linya ng mga taong nagiguilty sa ginawang pakikipaghiwalay. Alam nya ang sakit na idinulot nito sa kasintahan kaya pilit na pinaaasa na kahit hiwalay ay maaasahan pa rin nya ito bilang isang kaibigan. Charot! Asa ka pa.
10. Sige kung mas magiging masaya ka sa kanya.
Ito ang linya ng pag-ibig na hindi maramot. Ang drama: Ang mahal mo ay may mahal ng iba. At dahil mahal mo ay handa kang magparaya maging ang kahulugan nito’y iyong kabiguan.
Oops! Ang mga naisulat ay hango sa tunay na karanasan. Hindi ng may akda ngunit ng mga kaibigan at kakilalang nasaktan ng dahil sa pag-ibig. At syempre, impluwensya na rin ng mga soap opera. Wala pa rin tatalo kay "Esperanza."
0 Speak:
Post a Comment