Saturday, September 12, 2009

Blogging, My Instant Medicine

Patay ang electric fan. Hindi naman brownout. Sadyang malamig lang ang gabi dala na rin ng pabugso bugsong pagulan. Ngunit hindi maiwasan ang magising kahit di pa nagaalarm ang celfone. Binuksan ang ilaw at dinampot ang tissue upang tanggalin ang nakabara sa ilong. Pagkatapos ay hinanap ang medicinal oil upang ipahid sa nananakit na ulo. Ang agang headache.

Dapat may lakad kami ngayon. Sasamantalahin sana ang free skills training na ibinibigay ng DTI-PTTC. Ngunit dahil sa sama ng pakiramdam at sungit ng panahon tulad ng dati’y napurnada na naman ang matagal ng plano. Hayst! Nakakapanghinayang. Bonding time din ito sa aming mag-iina pero walang magawa dahil baka lumala ang sakit at makahawa pa ng iba. Kahit walang ulan hindi rin naman ako makakapasok sa PTTC buidling dahil bago ka makapasok ay tatapatan ka sa noo ng “flu detector” o “fever scanner.” Basta yung gadget na nauso noong tila napapraning ang buong bansa sa A(H1N1) virus.

Eto ako ngayon. Pinupuno ng liquid ang katawan. Tubig, kalamansi juice with honey at Biogesic ang nagsisilbing gamot. Mamaya lagundi naman. Pipitas na lang ng kaunting dahon sa aming tanim. At ilalagay sa pinakuluang tubig. Mabisang gamot din ang blogging at blog hopping. Doctor recommended? Sympre hindi. Adik lang talaga. :p

Birthday din ng pinsan ko ngayon. May kaunting handaan mamaya. Pilit kakalimutan ang fever. Chibugan ito. Yehey!

10 Speak:

Lord CM said...

Hehehe :D Ako rin kahit may sakit basta nasa harap ng laptop okey lang...at syempre basta may chibugan okey ako jan lolz

Nobe said...

blogging, writing as a whole, is my medicine. kahit saan mo ako ilagay, basta may ballpen at papel ako. ok na. lahat ng mga senseless thoughts ko doon ko inilalagay.

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

manik_reigun said...

ayus yan! baka labnat lang?ahehe.
tama, blog+chibog=solb!

A-Z-E-L said...

pagaling ka...

more fluids. water theraphy mas ok.

magtake ka din ng Vitamin C. wag ung puro Vitamin B-log lng... hehehehe!

Rej said...

Oo nga. Basta kaharap na ang monitor ang hirap ng iwanan.

Labnat? Etong PC ang husband ko. Hehe!

salamat po sa concern ninyo. till next time :)

dylan dimaubusan said...

Wow, calamansi juuice with honey! Gusto ko rin nyan! Dito kasi pasosyal eh, lemon, walang calamansi!!!

Pagaling ka! Ako kasi sa chibug magaling! Nyahahaha! yan ang instant medicine ko, pagkain..

Take care.. Cheers! get well now..

Rej said...

Hi Dylan. Naku, mahal ang lemon. Magtutubig na lang ako. :p

Medyo ok na po ako. Thanks :)

Believe Achieve - Hugo and Roxanne said...

Hi Rej,

Couldn't read what you wrote but your Blog title says enough. LOL! If I'm catching on correctly, I'd agree with you. I find writing and blogging very theraputic. Besides laughter, it's the best medicine! :-)

Many Blessings....

Roxanne and Hugo
Believe Achieve

Rej said...

Sorry. :p

I had a minor fever last week. But blogging keeps me going. And yes, its the best medicine. hehe! :D

Believe Achieve - Hugo and Roxanne said...

Hi Rej,

No need to apologize! :-)
I'm glad you're feeling much better. Hugo and the Kiddos are also getting rid of a "bug" they caught last week. I'm grateful I stayed healthy between all the runny noses and sneezes! LOL

Many Blessings....
Roxanne ~ Believe Achieve

Popular Posts

Archive