Friday, September 18, 2009

Nyt Trip

Blog Hopping with “Ako’y Isang Pinoy” as background music. Alas sais ng hapon, busybusyhan sa pamamasyal sa internet. Ngunit bahagyang nabulabog nang pumasok ang isang grupo ng mga Koreano sa telebisyon (na nasa bandang kanan ko). May hawak na gitara sabay awit ng “Ako’y Isang Pinoy.” Nang matapos ang kanta isang interpreter ang pumasok upang mainterview ang mga nasabing banyaga. Pure Korean pala ang mga lolo embracing our own song. How cool is that?

This is it. Pasado alas syete ng gabi ay tumulak kami papuntang NAIA. Isang kamag-anak namin ang pinalad na mabigyan ng tourist VISA sa Inglatera. At noong Miyerkules nga ay tuluyan ng naisakatuparan ang matagal na nyang pangarap.

Unexpected heavy traffic. Ang sarap talaga bumyahe pag gabi. Mailwanag ang kapaligiran at hindi na masyadong traffic. Pero yun ang akala naming lahat. Pagdating ng Balintawak tollgate ayun bumungad ang heavy traffic. Shocks! Isang oras kami hanggang A. Bonifacio. Kumusta naman un di ba! Naging smooth lang ang byahe pagdating ng C-3 road tapos dirediretso na hanggang airport. Salamat naman.

Road Trip. Masaya ako dahil Manila ang napili nilang rota. Nadaanan namin ang monumento ni Rizal at ang kahabaan ng Roxas Boulevard na talaga namang makulay pag sapit ng gabi. Maluwang din ang kalsada; walang hassle hindi tulad ng EDSA.



No hugs; No kisses. Mahigit tatlong oras bago ang ETD dumating kami sa airport. Swak lang. Pinapasok agad ng aking tiyuhin ang aking tiya upang maagang maasikaso ang lahat. Inakala naming maari pa itong lumabas kaya no goodbyes pa. Nang lumipat kami ng pwesto ay nabasa namin ang isang paalala. Shocks! Bawal ng lumabas ang mga passengers kapag nakapasok na ito sa loob. Kaya no hugs; no kisses. Hindi nagamit ang tissue. Chos! Text, text na lang. Hayst!



Back home. Medyo malungkot ang mood kaya dinaan na lang sa kwentuhan at pagkain ng burger.

Stop over sa Brothers Burgers along Roxas Boulevard. Iba talaga ang libre. Parang mas masarap. :p

All by himself. Medyo malungkot talaga ito para sa aking uncle na tanging alagang aso ang makakasama sa loob ng apat na buwan. Di bale kuya, (I call my tito, Kuya) susunod din tayo dun. Antay ka lang. Afterall, dreaming is free.

Y not coconut!


09.16.09

Related Posts:

  • Top 10 Most Wanted for 2008 It’s February 2009. Yet, the good memories of 2008 are still very vivid and significant. Good memories, of course, are formed with people whom we hav… Read More
  • All About Rej Part II I am a homebody and an introvert too. I love staying at home because I believe that we should not spend too much money these days. But sometimes I al… Read More
  • I, Me, Myself & My Frugal World (Part II) He’s a charming teenage boy. Much taller than me. Addicted to online games. Adept in car and motorcycle parts and engine (though we don’t have both… Read More
  • Meet Batch 69 Posted 09.15.2010 A class of 8 members and diverse personalities. We are like chalk and cheese gathered under one roof in pursuit of one goal – CAN… Read More
  • You're Always a Star (Updated) By Bo SanchezYou Have the Power to Create Love(Take Another Step on the Simple Path to Happiness) Imagine I’m an inspiring actor. You must agree… Read More

0 Speak:

Popular Posts

Archive