First year college ako ng una ako magkaron ng cellphone. Ito yung panahon na ang mga messages ay inaabot minsan ng isang araw bago ka makatanggap ng text. Ito rin yung panahon kung kelan napagsasamantalahan mo pa ang limang segundong free call o kung bwenas ka unlimited call (in short allowed ang telebabad). Meron ding 30 – 100 free text messages na kasama kapag nagload ka ng 300 o higit pa. Hindi pa naiimbento ang E-load, Auto Load, Pasa load at Share-a-Load noon. Pero ayos lang dahil siguradong ang 300 mo ay kayang umabot ng dalawang buwan kung matipid ka, mautak ka at swerte ka. Dahil dito, masasabi kong masaya talaga ang buhay may cellphone noon (kahit may ilang kapalpakan).
Nokia 3310 ang model ng una kong cellphone. Isa yun sa mga uso mahigit limang taon na ang nakararaan. Pero ilang buwan lang ang nakalipas iba’t ibang cellphone na ang naglipana. Samakatuwid laos agad ang cellphone ko. Whaaaaat?!!! Nagkadurog durog ang mga ligaments ko dun. (Hehe!) Ganun pa man, masaya ako dahil kahit kailan ay hindi ako naging biktima ng snatching o talamak na holdapan. Ewan ko kung maingat lang talaga ko o dahil hindi worth nakawin yun. Ilang taon din yun tumagal sa akin bago magkaron ng problema at kinailangan ng ihiga sa gilid ng kabinet.
Ngunit bago pa man ito tuluyang malowbat ay napalitan na ito ng bago. Salamat naman at tuloy pa rin ang texting. Noong panahong iyon sobrang naimprove na ang pagpapadala ng mga messages. Mabilis na. Ayos! Ang kaso wala na rin ang free call at nababawasan na rin ang free text. Hanggang sa unti-unti na ring nauso ang E-load o Autoload at kinalaunan nga ay ang Pasa Load o Share-a-Load.
Sa pagbabagong ito, nagbago din ang masisipag na magpasa ng forwarded messages. Naging matumal ang pasok ng mga text. Wala na rin ang “missed call.” Hanggang may bagong nauso – ang Unlimited Text courtesy of 258 for Smart/Talk & Text, 2870 for Globe/Touch Mobile at dial 220 + cp# + pin fro Sun Cellular (Nagpromote?!). Pero yun ay exclusive lang sa mga magkakapareho ang gamit na sim card. Naging matindi uli ang daloy ng text sa kin. Nagsunod-sunod naman. Na tipong paggising mo sa umaga ang una mong mababasa: “20 new messages…(minsan sobra pa. Pinapasa muna siguro bago burahin).” Pero, salamat pa rin po.
Ngayon, nagsawa na rin yata ang mga mahilig magforward. Nakakamiss rin. Minsan tuloy napapaisip ako bakit kaya hindi na nagtetext si ano, tsaka si ano, at si ano…. E bakit nga ba madalang na magtext ang mga tao? Eto ang mga naisip kong dahilan:
1. Busy sa trabaho. Yan ang madalas na naririnig kong excuse ngayon. Pero hindi ko to inaaccept. Bakit? Dahil anim na character lang ang salitang "musta?" Mahirap ba itype yun?! Oops! Bitter?! Hehe!!!
2. Walang load. Eto pwede pa. Sige lusot ‘to (except sa may mga trabaho).
3. Naubusan ng load. Sige pwede na rin (kahit hindi mo ko pinaglaanan ng kahit piso man lang). Oops! Bitter uli?! Hehe!
4. Malayo ang tindahan kaya minsan lang makapagload. Sige na nga sabi mo eh.
5. Nagloload lang pag may emergency. Nice one. Speech ko to eh (In fairness, totoo ‘to. Ows?!).
6. Madalas pasa load lang pag kailangan lang talaga. Nice one uli. Speech ko uli ‘to eh (In fairness, totoo din ‘to. Promise!).
7. Nawala ang simcard. May katwiran. O sya pasado na nga ‘to.
8. Nasira ang cellphone. May katwiran din. Sige, pasado uli.
9. Nawala ang cellphone. Nahulog sa bulsa? Nasnatch? O naholdap?. Ouch!!! Sa susunod konting ingat po.
10. Ibinenta ang cellphone. Krisis o bibili ng bago?
Hay naku! Hindi na naubusan ng excuse ang mga tao…Kapag nagtext ka naman at hindi nagreply eto naman ang mga posibleng dahilan:
1. Nasa CR. Personal necessity 'to.

2. Off cel. May tinataguan?!
3. Kumakain. Penge!
4. Walang nareceive. Wrong send?! Sayang piso.
5. Busy. Owssss???!!!
6. Tulog. Zzzzzzzzzzzz…..
7. Tinatamad. Hoy! Exercise din sa daliri ang pagtetext.
8. Kuripot. Pare, hindi ka nag-iisa.
9. Walang load. Parati na lang!
10. Kinuha na ni Lord. Wala bang signal sa langit?
Ang sampung naisulat ay from a forwarded message. Obvious ba?! Eto additional:
11. Nasa public trasportation. Ingat ka.
12. Nasa bag. Nakasilent. Hindi nakavibrator.
13. Nasa loob ng church. Pagpalain ka nawa.
14. Nasa loob ng theater. Bawal po yun para sa mga hindi nakakaalam.
15. Nagpalit ng number. Syempre, hindi nya talaga yun mababasa.
16. Nawala. Nahulog sa bulsa? Nasnatch? O naholdap? (yun uli)
17. Iniwan sa bahay. Ayaw siguro maistorbo.
18. Low bat. Nakalimutan i-charge o nagcha-charge pa lang.
19. Walang signal. Lumipat ka ng pwesto. Bilis.
20. May “maniana habit.” Certified Pinoy.
21. Nakaunlimited. Lintik! Parang kayo-kayo lang ang magkakakilala ah.
22. Sa prisinto ka na magpaliwanag!!!
Sa totoo lang, minsan nagsasawa na rin akong gumamit ng cellphone. Maliban sa madalang na ang nagtetext at nagmimiscalll at sa nakakairitang sangkaterbang text mula sa 4627, 258, at 367 (kumusta naman yon di ba?!), nakakasawa lang din talaga habang tumatagal ang panahon. Bukod dun may dala rin itong panganib.
Unang-una, sa panahon natin ngayon na talamak ang mga krimen, partikular ang snatching at holdapan (na ilang beses ko ata nabanggit dito), minsan ang pagkakaroon ng cellphone ang naglalapit sa atin sa kapahamakan. Samantalang kung wala kang dala-dala mas panatag ang kalooban mo maglakad sa ano mang kalye sa Maynila maliban na lang kung katapusan ng buwan- ang araw ng sahod.
Pangalawa, ang pagloload ay hassle sa bulsa. Minsan napagsasamantalahan ka pa. Tatatlo pa lang ang napapakinabangan mo expired na kagad (Tama ba naman yun?!). Pinapayaman mo lang ng husto ang may-ari ng iba't ibang telecom companies. Kawawang subscriber!
Pangatlo, nakakabobo ang paggamit nito. Dahil sa nasanay na ko sa pagshoshort cut ng mga text messages hindi ko na alam ispell ang ilang mga simpleng salita tulad ng "room8" (single m ba o double m?). Tinanong ito sa akin eh ang kaso hindi ko rin alam ang sagot kaya tinanong ko rin tapos hindi rin alam ng tinanungan ko. Kaya ang ending tinanong ng tinanungan ng tinanungan ng tinanungan ko yung tanong ng nagtanong sa akin. Gets mo?! Well, hindi ako nag-iisa. Welcome to the club!
Ganoon pa man hindi ko rin naman inaalis ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng cellphone. Syempre mas marami pa rin itong benepisyo kaysa sa masamang dulot nito. Dahil dito, nakakausap namin ang mga kamag-anak na nasa probinsya. Nakakacommunicate ako kahit nasa malayo tulad ng "D2 na me. san na u?" Nakakapagsave ng mga dapat gawin. Nakakautang ako ng hindi masyadong nahihiya. Nagigising ako sa alarm clock nito. At higit sa lahat nakakahanap ng trabaho… Lucky charm ko ata to eh. Owsss?! (Ibang storya na yon)
Dami ko pa gustong ikwento kaso inaantok na ko eh. Itext ko na lang kaya?!!! Ay, wag na lang sayang piso (as if naman may load ako!).

Oops! Buti na lang hindi limited sa 160 characters ang text dito. Hindi ko kailangan mag short cut. At ang favorite ko – LIBRE.
0 Speak:
Post a Comment