Wednesday, July 22, 2009

Onli in BAM-A (Re-Post)


Ikaw ay legitimate BAM-A kapag…

Kabisado mo ang mga salitang “Whatever,” at “Pichi-pichi;” ang linyang “Subukan nyong tumahimik ng 10 seconds…;” Alam mo rin ang mga patakarang “Bawal ang late,”Ayokong may nagdadaldalan habang nagsasalita ako,” at “Move your chairs backward” at ang tanong ng prof na “Jordg, may klase ba tayo ngayon?”


Alam na alam mo ang mga katagang “The Gift,” “Ang Pangarap Kong Jackpot,” “Sleepless Nights,” “Cheating Arrangement,” “Pentium I – IV,” “Galaw-galaw baka Mastroke,” “Taralets Bagets,” “Full Charge,” “Oh yeah! Oh yeah!,” “Papampam,” “Tuta,” “Istorya,” "Arrows," “Divorsion,” “FR,” “PO,” “Krisis,” “Nagmomoresan,” “Mandarin,” “Echusa,” at kung anu-ano pang mga salita o lipi ng mga salita na talaga namang naging blockbuster.


Nagkaron ka ng mga professor na talaga namang kakaiba tulad ng mga sumusunod: Prof na nangangasa ng baril at nagsasaboy ng gas sa klase; Prof na parang laging wala sa sarili; Prof na naghahamon ng suntukan; Prof na maihahambing sa araw -lulubog lilitaw; Prof na certified fascionista at marunong sumunod sa trend; Prof na nagpapafoot spa raw ng buhok (pwede ba yun?); at Prof na minsang nabansagang si “Kamatayan.”


Kilala mo kung sino ang hindi kumakain ng gulay; ng pritong isda; ng baka; ng atay; ng sinangag; at ng mayonnaise. Kilala mo rin kung sino ang mahilig sa fishball; sa hilaw na mangga; sa maanghang; sa chocolate; at sa kape. May mga matipid din sa ulam pero nakakaubos ng tatlong kanin pero in fairness mga slim pa rin. Meron ding hindi nakakaubos ng kanin pero ok lang may tagaubos naman.

Marami kang nasaksihang kakaibang mga kakayahan tulad ng galing sa pagguhit at pagsulat na para bang may built-in ruler at lettering guide sa mga kamay; husay sa pagtumbling o acrobatic moves; talento sa pagmimake-up at paggupit ng buhok ng walang formal background sa hairstyling; at higit sa lahat kagalingan sa pagtimpla ng Gin-pomelo o Gin-pineapple. San ka pa?

Nakinig ka sa paboritong usapan ng klase- ang kaalman sa SEX at kwentong pag-ibig. Hindi kumpleto ang usapan kung walang joke o istoryang medyo sensual. Katwiran ng nakararami, hindi na tayo bata. May mukha lang bata. Ehem! Tungkol naman sa buhay pag-ibig, siguradong kilala mo ang mga ngumiti at lumuha “In The Name of Love.” At mga taong zero pa rin?! Well, there is a saying “Habang may buhay may pag-asa.”

Tuwing late ka hindi ka umuupo sa unahan at hinahanap mo kagad ang katropa mo. Dahil ba nahihiya ka o dahil takot ka matawag sa recitation? Kapag absent ka at nagaattendance ang prof siguradong may tataas ng kamay para sayo; may pipirma sa attendance sheet; at may sisigaw “Sir/Ma’am nag-CR lang po.” In fairness, maraming pumatol!

Alam na alam mo rin kung sino ang may mga bibig na hindi nalolow bat; ang may pinakamaliit na paa na kasing laki ng paa ng Grade 3 brother mo; ang nakakuha ng silver medal sa larangan ng swimming; ang babaeng nabansagang “Noisy;” ang mga nagpasikat ng “Rice in a Box;” ang gumagawa ng sariling MTV habang nakatingin sa bintana; ang kaklase mong mahilig magpose sa picture pero hindi naman ngumingiti; at ang mga taong walang pinipiling okrayin.

May mga naging kaklase ka na may mga hidden treasures and not so hidden. Merong may nakatagong dolyares sa planetang Pluto; May namimigay ng tseke na hindi bababa sa sampung libo; Merong nagmamay-ari ng submarine; At may nagsusuot ng mamahaling t-shirt kasi nakita mo ang halaga sa nakasabit na tag price.

Yung mga nakatira sa malalayo tulad ng Novaliches at Antipolo sila pa ang madalas na nauuna. Walang kemeng umaalis ng bahay ng alas sinco y medya ng umaga para lang hindi matraffic sa may Blumentritt at Cubao. Samantalang yung mga nakatira sa Maynila at Pasay mukhang naghihilik pa. Yung iba nga walking distance lang ang layo ng bahay nagpapasundo pa para lang bumangon.

Hindi ka bumibili ng libro bagkus ang laman ng bag mo ay puro photocopy. Kapag konti lang ang ipapaphotocopy mo kahit sa CIT na lang pwede na pero pag more than 10 syempre kailangan sa 35 centavos lang baka kasi mahirapan kang huminga pag nalaman mo ang halaga ng babayaran mo. Karaniwan na kasi ang nagkakaron ng instant hika kapag may narinig na babayaran.

Halos kalahati ng klase ay naranasang maging working student. Malalaman mo kung closing sya kapag dumating sa room eh nakasanday agad ang ulo sa desk at kung minsan nga tumutulo pa ang laway. O kaya nanghihingi agad ng yellowpad at sinasabing “Pakopya naman ng assignment.” At ang pinakamatindi sa lahat kahit pagod pag sinabi mong “Gimik Tayo” nagiging alive alive! Instant awakening medicine ba ang salitang “lakwatsa?” At least, libre at hindi nabibili sa botika!

Kapag may contribution magrereklamo muna kayo. Tatanungin kung Bakit ganun?; Bakit ganyan?; Bakit ang mahal?; Para san ba yan?; Pwede ba bukas na lang? O kaya next week, pwede? Hay naku! Hindi ka na naubusan ng tanong at excuse. Pero kapag si Ms. Treasurer na ang naningil lumalabas ang mga kayamanan at kinita sa trabaho.

Sa tuwing ninais mong manood ng sine sinabi mo lang dun sa isa mong kaklase at nakapanood ka na ng libre, stateside man o local siguradong may tiket ka; Tinapos mo yung pelikula kahit na alam mong aabutin yung isa mong subject dahil nanghihinayang ka kung hindi mo makikita kung sino ang makakatuluyan ni Jolina. Ehem!

Naranasan mo ang magklase ng nakatayo dahil wala kayong classroom o kaya wala kayong upuan at kung may upuan man Fist Come First Serve. Naranasan mo rin ang magpalipatlipat ng classroom habang nageexam. Nagbuklat ka ng libro o kaya tiningnan mo ang papel ng kaklase mo pero hindi mo pa rin nakuha ang tamang sagot. Bokya ka pa rin?!

May pagkakataong mahaba ang break, nagkikita kita kayo sa Tayoman para kumain ng spaghetti, pansit, burger. footlong, o kaya ice cream pero kapag enrolment sabay liko sa SM. Kapag nagugutom ka naman pero wala kang pera pumupunta ka lang sa Jollibee, Greenwich, KFC, Pizza Hut, at Burger King at si classmate Cashier na ang bahala sa ‘yo. Minsan nga sa fast food pa ginanap ang Birthday Blow-out! Mas masarap kasing kumain kapag libre. Hindi ba?!

Naging extension ng barkada nyo ang SM-Manila. Pumupunta kayo dun para kumain; MagCR sa Fourth Floor; Magkantahan o makinig sa mga Diva at “trying-hard Diva” ng Videoke; Magsukat ng mga damit na hindi naman bibilhin; Magman-hunting sa arcade at sa loop; At sympre para samahan ang kaibigan na maghintay sa boyfriend o sa ka EB sa labas ng National Bookstore.

Umalis kayo para sa isang educational field trip kuno ng hindi nalalaman ng isa nyong prof. Nainis sya pero wala na syang nagawa dahil on the way na kayo sa second destination nyo – sa Calayo as in SUPER LAYO na mala lost island lang naman ang set-up. Kaya nga pagbaba mo ng jeep lumusob ka kagad sa dagat kahit nakauniform ka pa.

Alam mo na bilyar ang main topic sa Recreational Management. Dahil kapag late ka o walang klase alam mo na sa bilyaran ka dapat pumunta. Kaya nga marami kang napahanga sa talento mo sa paglalaro. Kung recorded nga lang ang mga laro mo sa bilyar malamang nakakuha ka ng uno sa class card.


Naging kaclose mo sina Sir Gungon at Sir Tenorio na naging professor nyo sa Mechanical. Naging paborito nyong tambayan ang classroom nya. Minsan pa nga dun kayo kumakain, nakikiinom, gumagawa ng assignment, nakikicomputer, nagkukwentuhan, nakikitago ng gamit at higit sa lahat nakikitulog. Gawin daw bang boarding house ang classroom? Hallerrrrrr!!!



Sa tuwing sumasapit ang subject na Psychology at Rizal medyo naghahanda ka na para sa 45 mins na recap at 15 mins na lecture; Hinahanda mo na rin ang sarili mong libro o kaya nagtatanong ka kung sino ang pwede mong mahiraman kapag turn nyo na; Hindi rin kailangan mawala ang red ballpen tuwing may exam; Sana’y ka rin sa iba’t ibang scenario tulad ng nagsususuklyan o natutulog sa harapan, kunyaring nakikinig sa gitna at nagpapahula ng kapalaran sa likod.

Nagtaka ka dahil nakakuha ka ng 2.0 sa Law samantalang 1.5 yung kaklase mong nagdrop. Masaya ka nung nakakuha ka ng 1.0 – 1.5 na grade sa Logic dahil 1:00 – 1:50 ang oras nung napatingin ang sir nyo sa relo habang hawak ang classcard mo. Better luck next time naman para sa mga lumagpas sa oras.

Kaklase mo ang pinagawa ng final exam at sa mismong araw ng test may sari-sarili na kayong kopya kaya hindi ka na nahirapan pang lumingon o magtanong. In fact, may nakaperfect pa nga ng exam. Yahoo!!! O kaya kapag may exam at late ka o absent, no need to worry dahil siguradong may grade ka. Minsan nga natataasan pa ang mga katropa. Yan ang magkakaibigan “One for all, All for one.” Hehe!

Nandun ka nung may laro ng Volleyball ang mga kaklase mo. Nahati ang atensyon mo sa pinanood mong laro at sa cheerleader nyong nagaala Sexbomb “Get, Get Aw!” Isama mo pa ang tirang lumilipad sa kalawakan. Magaling ah! Pero wala yan sa lolo ko… In fairness, Close Fight! Yan ang BAM-A, Hindi lang Pangkalokohan, Pangsports pa! ASTIG!

Malaking papel ang ginampanan ng celfone ng kaklase mo sa iyong buhay. Nang dahil sa unlimited call and text, naranasan mong makipagtelebabad gamit ang cel. Hindi mo na rin kinailangan magload dahil manghiram ka lang nito solve na. Pag gusto mo magforward ng quotes sa mga kaibigan mo manghihiram ka lang uli. At higit sa lahat marami kang naging bagong textmate dahil dito. Hindi mo na kasi kailangan mag YM para makipagchat. Tipid, di ba?!

Sa oras na wala sa mood pumasok ang klase tinataguan nyo ang prof at nagpreprepare ng script ang president nyo tulad nito: “Nandito po kami kanina eh akala po namin wala kayo kaya umuwi na po yung iba…,” minsan naman with paawa effect: “Sir/Ma’am pwede po ba next week na lang yung test sabay sabay po kasi yung ginagawa namin ngayon eh. Sige na po....” Wow! Best Actor.

Minsan nagplano kayong magswimming. Yung ibang plano naudlot; naudlot pero natuloy din; natuloy pero nagkasamaan ng loob; natuloy pero hindi kasama lahat; at yung iba bigla biglang nagbaback-out. Sa susunod ibang plano na lang kaya? Ang hindi sumama hindi kasama sa picture picture! Hala! Big deal?!

Bago pa man natapos ang First Year - First Sem napagisipan mo magshift ng course o kaya lumipat ng ibang school. Kaya naman may ibang biglang nawala, meron ding nagpatuloy ngunit nawala, at higit sa lahat may nagpatuloy at hindi nawala. Kaya kung isa ka sa tumanggap ng lalagyanan ng diploma mula sa hanay ng BAM-IM 4A noong gabi ng March 26, 2004, isa lang ang gusto kong sabihin sa inyo“Bato Bato Sa Langit Ang Tinamaan Sana’y Hindi Nagalit”.Hala, JOKE?!


P.S. Ginawa po ito hindi upang mangaway, manlait, makapanakit, mang-inis o mang-asar. Nais lamang po ng may akda na alalahanin natin ang mga masasayang nakalipas. Ang mga bagay na Onli in BAM-A. =>
PEACE!!!
.









0 Speak:

Popular Posts

Archive