Monday, September 7, 2009

My Favorite Christmas Song

Ber month na! Narining mo na ba ang paborito mong Christmas carol?

Senior Hay Skul. “Lumikha ng awiting Pampasko gamit ang himig ng kilalang Christmas song,” winika ng aming guro sa Filipino. Isang group project bago sumapit ang araw ng Pasko. Walang agarang pagpupulong sa aming grupo. Kung paano kami nakabuo ng kanta, eto ang naging eksena.

Nakapila ang buong klase malapit sa school sari-sari store
Habang naghihintay na matapos ang klase ng morning shift
As usual dakdak dito; dakdak doon
Ang tatlong magkakagrupo biglang naging pilyo
First stanza'y biglang nabuo
Ngunit naudlot ng nagmartsa na patungong kwarto.

Sa loob ng classroom
Habang ang ila’y naghahanda para sa short quiz sa Computer
Kami’y nagsusumikap na madugtungan ang munting nasimulan
Buti na lang Multiple Choice at True or False
Segundo, minuto, oras at ilang araw ang lumipas
Sa wakas natapos din ang aming obra

Gusto mo bang malaman kung ano ang naging resulta?

Tantananantanan!!!
CRUSH
(to the melody of Sa Paskong Darating
with slight adjustment in the tune)
Composed by:Jeng,Rej &Son
.
I
Ang crush ko’y dumarating
Pasulyap-sulyap sa akin
Sa harap daraan
At ako’y kikiligin
.
II
Nagsuot na nga ako
Ng kwintas at polseras
Mahal na pabango
Ay aking inilabas
.
III
Siya’y ibang iba
Walang panama si Aga/Ara
Kaya ako nama’y
Laging nagpapacute
.
Chorus
Ang crush ko’y
Ang gwapo (2x)/ganda (2x)
Ang macho (2x)/sexy(2x)
Na lalaki/babae
.
IV
Ang araw na ito’y
Di ko malimutan
Pagkat ito ang araw
Siya’y nasilayan
.
(Instrumental)
.
V
Sa Paskong darating
Kay Sta. Claus ay hihiling
Na siya’y masilayan
At sa aki’y mainlove rin
.
VI
Nawa ay matupad
Ang Kahilingan ko
Pagkat ito ang tanging
Hangad ko sa Pasko
.
Repeat I – III
Repeat Chorus (3x)

Related Posts:

  • My Favorite Christmas Song Ber month na! Narining mo na ba ang paborito mong Christmas carol? Senior Hay Skul. “Lumikha ng awiting Pampasko gamit ang himig ng kilalang Christm… Read More
  • Onli in BAM-A (Re-Post) Ikaw ay legitimate BAM-A kapag… Kabisado mo ang mga salitang “Whatever,” at “Pichi-pichi;” ang linyang “Subukan nyong tumahimik ng 10 seconds…;”… Read More
  • Rekindling Ties Bakasyon Grande. That’s how we named our first grand reunion after years of not seeing each other. The original plan was a swimming jaunt but because… Read More
  • My Gift, My Only Gift We couldn’t believe the big day has passed byJust yesterday Tropatits were just sitting in two rowsPretending that we're listening to our… Read More
  • Tuesday Meet and Greet - May Holds a GunHousehold chores were at the least of her expertise. Extra curricular activities didn’t excite her at all. Being in a private 3rd class in CAT was a n… Read More

4 Speak:

ACRYLIQUE said...

Haha! Bakit kaya usong-uso ang mga ganito sa hayskul? :)

Rej said...

Ang babaw ng kaligayahan. Hehe!

Nobe said...

hehehe. christmas songs in the mall make me want to shop shop shop. parang warm talaga ang feeling kapag nakakarinig ako. :)

love,
nobe

www.iamnobe.wordpress.com
www.deariago.com

Rej said...

Yeah. Masayang makarining ng Christmas song. Pero yung to shop shop shop. Hindi masaya kung kulang ang molah. Hehe!

Popular Posts

Archive