Itago na lang natin siya sa pangalang Negro.
Sa mga kasambahay ko si Negro yung tahimik, madalas walang kibo, at mahiyain. Ewan ko ba kung bakit pilit nyang sinisiksik ang sarili nya sa isang sulok. Samantalang may malawak naman syang magagalawan. Marami rin syang pwedeng maging kaibigan ngunit madalas ay pinipili nyang mag-isa.
Anong ginagawa ni Negro?
Nakatingin mula sa malayo at tila nangungusap na “Sumali kaya ako sa kanila? Ay, wag na lang nakakahiya eh.”
Sa tuwing dumarating ako, ang lahat ay tila sabik maliban sa kanya. Malumanay lang syang lumalakad papalapit sa akin habang ang ibang housemates ay hindi magkamayaw sa pagsasabi ng meow, meow, meow at yung isa naman ay aw, aw aw!

Oops! Bago ako magtapos ay hayaan nyo akong ipakilala sa inyo ang syam naming housemates. Sila ay sina Jepoy (ipinangalan kay Cogie sa soap operang “Ikaw lang ang Mamahalin), ang aming pinunong gwardya- kalaban ng mga masasamang loob; at walong gwardya sibil- mahigpit na kaaway ng mga daga, ahas, at iba pang hayop o insekto. Dito kabilang si Negro (kulay itim) na ewan ko kung paano napadpad sa amin. Sila ang aming mga housemates- tapat na mga kaibigan at talaga namang maaasahan.
0 Speak:
Post a Comment