Noon: Marami pang ibong Maya ang nagliliparan at dumadapo sa kable ng kuryente.
Ngayon: Alikabok, amoy ng basura at usok ng sasakyan at sigarilyo ang nakikiangkas sa pagihip ng hangin.
Noon: Ang bayad sa tollgate papuntang Malinta Exit ay tatlong piso.
Ngayon: P3.00 x 14. Sa makatuwid, P39.00 ang diperensya.
Ngayon: Alikabok, amoy ng basura at usok ng sasakyan at sigarilyo ang nakikiangkas sa pagihip ng hangin.
Noon: Ang bayad sa tollgate papuntang Malinta Exit ay tatlong piso.
Ngayon: P3.00 x 14. Sa makatuwid, P39.00 ang diperensya.
Noon: Taong 1994-1996, ang pamasahe ko papuntang SM North ay: Tricycle:P3.00 at Bus:P5.00
Ngayon: Tricycle: P8.00 at Bus: P13.00. Nakasabit pa ko nyan sa estribo.
Noon: Ang mga softdrinks mura na, may papremyo pa sa mga tansan.
Ngayon: Magdadagdag ka pa ng piso kahit na sais lang ang nakalagay sa tansan.
Noon: Ang mga tanawin sa ilog Pasig ayon sa kasaysayan ay malinis na tubig, mga matatayog na puno, mga taong nagtatampisaw, at mga Pilipino’t dayuhang nagpapalitan ng kalakal
Ngayon: Saan mang dako ka tumingin makikita mo ay kulay tsokolateng tubig, nakalutang na lata ng sardines at lampin, tagpi-tagping bahay at batang walang salwal.
Yan ang mga kaganapang maituturing na “bad news.” Ang mga susunod naman ay may hatid na “good news.”
Noon: Pagdadaan ka ng North Express Way, nakatatlong panaginip ka na saka ka pa lang makakarating sa iyong paroroonan.
Ngayon: Konting idlip na lang kakalabitin ka na nang katabi mong pasahero.
Noon: Ang byahe papuntang Baclaran galing Monumento ay umaabot ng dalawa hanggang tatlong oras.
Ngayon: Sa halagang kinse pesos (MRT o LRT), ang dalawa o tatlong oras ay katumbas ng Novena, Jollibee o Mc Do, at shopping sa tsangge o ukay-ukay.
Noon: Pipila ka ng pagkahaba-haba bago mo makuha ang naimpok mong pera sa bangko.
Ngayon: Konting pindot lang sa ATM may pandate ka na at pambili ng load.
Noon: Madalas ang prosisyon sa kalsada araw man ng Semana Santa o hindi.
Ngayon: Kailangan mong dumaan sa Sidewalk o Over Pass kung ayaw mong pahiyain ka ng Police Traffic Enforcer o kaya madala sa Orthopedic Hospital.
Noon: Ang Eat Bulaga ay binubuo lang nina Tito, Vic, Joey, Connie at Aiza.
Ngayon: Tito, Vic at Joey + Anjo, Janno, Michael V, Francis M., Jimmy, Allan, Jose, Wally, Teri, Paolo, BJ, Edgar, Ryan, Mark, Ruby, Gladys, Pia, Toni Rose, Ciara, Paulene, Cindy at Sugar at ilang araw na lang dadagdag pa ang EB Babes.
Oops! Ginawa ko ito hindi lang upang ibahagi ang mga pagbabagong napapansin ko. Sana habang binabasa mo ito, napagnilayan mo rin ang kahalagahan ng pagbabago – ang mabuti at masamang epekto nito sa’yo, sa maraming tao at sa buong sambayanang Pilipino.
0 Speak:
Post a Comment