Thursday, June 4, 2009

Ang Super Twins ng Singalong

“Kapangyarihan ng araw. Taglay na Liwanag. Kambal na lakas. Kami ang Super Twins!"

Una sa lahat nais kong humingi ng paumanhin dahil sa napili kong pamagat - “Super Twins.” Hindi maikakailang medyo napagiwanan na ako ng panahon. Wala na kasi akong alam sa mga teleseryeng namamayagpag pagkatapos ng 24 Oras at TV Patrol. Naisip ko nga rin ang kambal ni Bakekang na sina Charming at Krystal. “Charming at Krystal, ang Kambal sa 5th Row” o kaya “Charming at Krystal, the Inseparable Twins.” Shucks! ang Chaka. Lol. Haha!!! Halos wala naman talagang pinagkaiba ang napili kong pamagat. Jologs pa rin kung tutuusin. Medyo upgraded lang ng konti dahil ang Super Twins ay may kapangyarihan sumupil ng mga taong nangaapi at lumipad sa kalawakan. Samantalang ang kambal ni Bakekang,…never mind. Simulan na ang kwento.

Eto na… (Drum Roll)

Naaalala nyo pa ba noong unang araw ng klase?
Nakacivilian ang lahat ng biglang…
Dalawang babaeng nilalang
Pumasok sa pinto ng room 208
Nakaputing blouse at itim na pantalon.
Wow! simula pa lang ng klase loyalista na.
Kinabukasan, nakauniform na ang lahat
Silang dalawa? tanong nyo na lang sa kanila.


Kinalaunan, kapansinpansin ang pagiging close
Ng dalawang nabanggit na dalagita.
Kahit saan magpunta, hindi sila mapaghihiwalay.
Si mommy at si baby laging magkasama
Sa hirap man o sa ginhawa.
Tunay na pagkakaibigan
Yan ang kadalasang tawag natin dyan.
Nagsimula sa paaralang Araullo
At nagpatuloy sa bayan ng Singalong.
Sa TUP ganyan pa rin ang naging eksena.
Magugulat ka pa ba?
Malamang, hindi na.

Silang dalawa’y magkaibigan
Ngunit magkapatid din.
Hindi man sa laman
Sa puso at sa diwa
Silang dalawa’y tinadhana.
Hugis ng katawan hindi nagkakalayo.
Hairdo nila magkahawig din.
Tuwing nanananghalian
Nakakatatlong kanin lang naman.
Pero ang katawan nila
Parati naming kinaiingitan.

Sa linya ng Astrology,
Gemini at Leo ang zodiac signs nila.
Gusto mo bang malaman
Kung ano ang sinasabi
Ng mga stars nila?

When Gemini and Leo form a friendship, it is a playful and high-spirited connection. There is a lot of movement and optimism in this friendship. Leo has a spirit of creativity that is attractive to Gemini, who enjoys mental stimulation. Arguments may arise if Leo takes Gemini’s flirtatious nature too seriously, or if Gemini feels that Leo wants total control of their friendship. They are well matched, though Leo wants to experience things firsthand, and Gemini would rather examine them from several different angles. Together they can discover and understand more than they would alone.

The best aspect of the Gemini-Leo friendship is their youthful, even childlike view of the world. They can truly understand and value each other’s input to the world. Together they can discover aspects of life that they would have missed separately. Together, this duo will enjoy a successful and mutually beneficial friendship.

To read complete details click the link below
http://horoscope.xaapa.com/friendship-compatibility-leo-and-gemini/
.
May katotohanan man
ang sinasabi ng mga bituin o wala
Ang mahalaga, vibes sila.

Tuwing may lakad nga ang barkada
At hindi sila nakakasama
Tanong ng lahat
Nasan yung dalawa?
May something ba?
Hay naku! parang may kulang
Halata mo rin ba?

Matagal tagal na rin
Nung huli ko silang nakita.
Masaya kami noon.
Pero ngayon balita ko
Parang may something.
Hmmm…
Sana ayos lang sila.
Sana sa susunod na lakad ng tropa
Super Twins pa rin ang dalawa.

Eto nga sila noon oh,



Hayyyssst!!!
Namiss ko sila bigla.
Ikaw, namiss mo rin ba?

0 Speak:

Popular Posts

Archive