.
Marimar.
Maria del Barrio.
Rosalinda.
Betty La Fea.
Sila ang mga nagreyna sa telebisyon sa kalagitnaan ng dekada nobenta. Sa mga pangalang nabanggit tanging kwento ni Betty La Fea ang aking nasubaybayan. Ngunit dahil sa sadyang tanyag ang mga nobelang nilikha ng mga Mehikano noong mga panahong iyon, nakilala ko rin ang iba sa pamamagitan ng kwento-kwento.
Ewan ko ba kung bakit ang mga tao matapos makapanood ay pagkukwentuhan pa ang nangyari sa palabas. Kaya kahit hindi ka masugid na tagasubaybay ng mga ito mapipilitan kang sumilip para makasali ka naman sa daldalan at upang hindi ka maging “OP” sa grupo.
Ngunit sa pagtakbo ng panahon, unti-unting nabago ang laman ng telebisyon. Inumpisahan ito ng IBC 13, ang Amazing Twins. Ewan ko kung napanood mo ito. Basta marami akong kamag-aral na tumutok dito. Sumunod naman ang Meteor Garden. Parang signal no. 4 nang biglang bumuhos ang kasikatan ng grupong F4 at Barbie Xu. Ang lahat ay kinilig at sinubaybayan ang pag-iibigang Dao Ming Ze at Shan Cai o Hua Ze Lei at Shan Cai. Isama mo pa ang dalawang sigang pabling na sina Mei Zho at Shi Men.
Halata ba na isa ako sa tinamaan ng malakas na bagyo? E sino bang hindi?
Pagkatapos nito ay parang kaboteng nagsulputan ang mga nobelang mula din sa Taiwan. Pero hindi naglaon ay inagaw ng mga Koreano ang trono. Sa ngayon, Koreanovela naman ang patuloy na namamayagpag sa ere. May mga bago mang dumarating mula sa Tsina at Japan, hindi maikakailang Koreanovela pa rin ang tumutugma sa panlasang Pinoy.
Ganun pa man, hindi ito nangangahulugang tuluyan na nitong nilamon ang mga gawang Pilipino. Mula sa tinaguriang soap opera (dahil ito ay sponsored ng mga sabon/shampoo) kinalaunan ay tinawag itong teleserye. At sa kasalukuyan meron na ring telefantasya at teleserye ng totoong buhay o “reality show” sa salitang Ingles. Hindi na lang ako magbabanggit ng mga halimbawa upang maiwasan ang sagupaan ng Kapuso at Kapamilya.
Hay naku! Kay dami talagang nangyaring pagbabago. Parang kailan lang ginagaya pa ni Michael V. si Corazon at si Ogie naman nagkaroon ng makapal na balahibo sa dibdib magaya lang si Sergio.
Hindi ako magtataka kung bukas makalawa mga alien at mga robot naman ang magsasampalayan sa telebisyon. Pero umaasa pa rin akong hindi naman aabot sa ganun. Umaariba pa rin kasi ang tambalang Juday at Piolo; Marvin at Jolina; Mark at Jennylyn; at Richard at Angel.

***************
It’s 2009. Ano na ba ang in ngayon sa telebisyon?
Sa mga nabanggit na artista tanging si Mark at Jennylyn na lang ang matibay na loveteam. Kung dati patok na patok ang Koreanovela. Ang Pinoy adaptation naman ang bagong trend. Meron na ring tinatawag na Sine Novela kung saan ang mga lumang pelikulang pumatok sa takilya at pinagbidahan ng mga batikang aktor ay ginagawang tv series with a twist para siguro mapahaba ang istorya at umangkop sa modernong kwentong Pinoy.
Nang biglang mauso naman ang mga talent show parang pila naman sa lotto ang dami nito kung saan ang mga ordinaryong tao ay nabibigyan ng pagkakataon upang maipakita ang kagilagilalas nilang talento, sumikat at kumita ng pera. Ang TV 5 may Talentadong Pinoy na nagnunumero uno sa rating; ang ABS-CBN Kapamilya ay may Showtime na pumalit sa Game Ka Na Ba, Singing Bee ni Cesar Montano at ilang game segment sa Wowowee ay may kaunting talent portion din bago magsimula ang laro; at ang Kapuso Network naman ay may Kahit Sino Pwede or KSP na napapanood sa Eat Bulaga, Pinoy Extreme Talent ni Chris Tiu at Sheena Halili at Bitoy’s Showwwtime na pumalit sa Bitoy’s Funniest. Akalain mo kahit sa titulo ng palabas pareho ang labanan ng Kapuso’t Kapamilya. Kung may nakalimutan pa akong show pasenya na tao lang po.
Dahil marahil sa pagkahilig ng mga Pilipino sa pagkain, sunod-sunod na ring naglilitawan ang mga cooking shows. Kahit sa ilang travel show meron ding inilalaan na ilang minuto sa pagluluto ng putaheng kilala sa lugar na itinatampok. Kung nursing ang naging pinaka paboritong kurso ngayong taon, hindi na ako magugulat kung next year lolobo naman ang bilang ng college freshmen na kukuha ng HRM, Culinary Course o anumang kursong may kinalaman sa pagkain. Tamang tama magpaPasko na. Busugin nyo kami ha.
Nakakarinig na ako ng mga Christmas carols. Nagsisimula na ring lumamig ang simoy ng hangin lalo na sa gabi. Pasko na sa Pilipinas! Gusto ko ng puto bumbong!!!
Photo courtesy of photobucket: zestah
0 Speak:
Post a Comment