Wednesday, November 11, 2009

Wednesday Nostalgia - Ka-Barangay Ako. Ikaw ba?

Noong dekada nobenta sobrang die-hard fan ako ng Ginebra. May kanya-kanya pa kaming pwesto ng Big Brother ko kapag may laban ang team. Walang lipatan ng channel. Talagang nakapako ang pwet sa upuan. Pag natatalo, ang sakit sa dibdib. Siguradong kantsawan na naman sa klase kinabukasan. Pero pag winner, high na high ang feeling. Taob ang mga detractors.

Top 10 Reasons Why I loved Ginebra
1. Paborito ko si Noli “The Flying Tank” Locsin. In Tagalog, Lumilipad na Tangke. San ka pa! Ginebra lang meron nyan.
2. May ilang nagsasabi dati na kahawig daw ni Vince “The Prince” Hizon ang Big Brother ko. Parang hindi naman. Hehe!
3. Kapag nagseset ng play si Big J, may mga pagkakataong halatang hindi naiintindihan ni Bal “The Flash” David. Pero in fairness, madalas game saver yan.
4. Si Marlou “The Skyscraper” Aquino, kahit patpatin astigin sa hardcourt.
5. Kamukha ng tito ko ang three point shooter na si Pido Jarencio.
6. Ang kahulugan ng fastbreak ay batuhan ng bola mula sa half court.
7. Pag pinasok na si Dudot dalawa lang ang ibig sabihin nun: last 2 minutes na at sobrang laki na ng lamang. Yehey! Masaya na naman ang 2/3 ng total population ng Pilipinas.
8. Kakaiba ang game style ng team. Magpapatambak muna ng mahigit 20 points sa 1st half, maghahabol sa 2nd half, pakakabahin ka pag last 2 minutes tapos matatalo o mananalo by 1 point. That's the never say die spirit!
9. Maraming alas sa balyahin ang Ginebra. Nangunguna na yung coach. Hehe!
10. May nagbabatuhan ng empty bottle ng mineral water kapag natatalo ang team. Exciting no. Lolz. :D


Ngayon, tulad ng karamihan, tila ba naumay na ko sa kakapanood ng PBA. Isa pa, ni isang bakas ng team na dati kong hiniyawan wala na rin akong makita. Wala ng Jawo, Locsinm, Hizon, David, Aquino, Jarencio, Gayoso, Cheng, Fheil, de Joya, Ong, Dudot at Saldaña.

Asan na ang thrill?

Wala na. :(

Photo courtesy of wikipedia.com

4 Speak:

Giselle said...

ka-barangay here!!

kasi ganun talaga mga bida, nagpapabugbog muna saka babawi.. :)

Julianne said...

Apir tayo jan!

Grace de Castro said...

kakatuwa talaga ang ginebra! i miss their glory days. tama ka, parang wala na excitement ang PBA ngayon. :)

kg

Julianne said...

oo nga eh. tuwing finals na lang napupuno ang coliseum.

Popular Posts

Archive