Wednesday, November 18, 2009

Namimiss ko ang P1.50

Sa panahon ngayon, ano bang mabibili mo sa halagang P1.50?

*Candy? Tatlo dalawang Piso na. Maliban na lang kung payag kang bumili ng Piso-isa.
*Isang stick ng sigarilyo? Hindi ako masyadong sigurado sa presyo nito dahil hindi naman ako nagyoyosi. Pero parang P1.75 na ata ang isang stick. Short pa rin.
*Fishball? Tatlong piraso. Mabusog ka kaya? Malamang hindi.
*Chichiriya? Pwede. Tatlong nguya ubos.Wala pang sustansya.
*Pandesal? Ang liit. Bitin ang isa.
*Ano pa ba? Hmmm… Wala na kong maisip.

Grade 5 ako noong natuto akong magcommute mag-isa. Matsaga na akong tumitindig sa bus para lang di malate sa eskwela. P1.50 lang ang minimum fare noon. At ang pamasahe ko from Caloocan to Muñoz ay P4.50, minsan kwatro depende sa kondoktor. Kapag aircon may dagdag lang na sikwenta sentimos. After xx years, naging times 5 ang minimum fare. At ang dating nabibili lang sa halagang P1.50 bigla ring naglahong parang bula.

Sinasabi ng ilan na umuunlad daw ang ekonomiya ng bansa. Kung pagbabasihan ang mga istraktura, maari siguro nating sabihin na may naganap na bahagyang pagbabago. Kung sobra ang traffic dito sa Maynila, triple ata noon lalo na nung wala pang MRT. Kaya ang mga nagtatrabaho sa opisina at mga estudyanteng pumapasok sa malalayong lugar ay umaalis ng pagkaaga-aga. Yung tipong halos kasabay ng pagtilaok ng manok nasa kalsada na ang ilan. Dahil kapag tinanghali ka na ng alis, katakot takot na traffic at jam packed na bus ang sasalubong sa’yo. Siguradong magshashower ka sa pawis. At dapat matibay ang mga tuhod dahil kung mamalasin nakatayo ka sa bus hanggang makarating sa patutunguhan. Wag ka ng umasang may gentleman na magbibigay ng upuan sayo. Dahil mukhang noong Spanish era lang yata nagexist ang mga ganun. :p

Habang ipinagmamalaki ng kasalukuyang administrasyon ang sinasabi nilang pag-unlad, tila ba hindi naman ito nararamdaman ng karamihan. Ang dating mapaggagamitan ng P1.50 hindi mo na mahagilap. Kung dati madali lang ang manlibre ng kakilalang nakasabay sa jeep, ngayon kung may pisong sukli sasabihan mo pa ang driver ng “Manong sukli ko po.” Sa panahon ngayon, napakahalaga ng bawat Piso’t sentimos. Pandagdag sa naipong P1.50

Ikaw, ano ang halaga sa’yo ng P1.50?

4 Speak:

RedLan said...

Hindi ko nga maisip kung ano mabibili ng 1.50 ngayon. Yung street children nga hindi tumatanggap ng 25 cents. Tama ang sinabi mo about administrasyon. Unlad sa kani-kanilang para sa kani-kanilang bulsa. Yun yon. hehehe

pusangkalye said...

Rej--- watch out for announcements and try to attend next time. ito ang website ng iblog......

http://iblogph.org/

salamat sa pagdalaw sa blog ko---I added you in my list--cheers~~

Julianne said...

@ REDLAN: Uy totoo yun, minsan magbigay ka ng Piso sisimangutan ka pa. Hehe!

Tungko sa administrasyon? May araw din sila. :P

@ PUSANG-kalye. salamat sa link, sa pagdalaw at sa pag add. Add din kita. :)

RedLan said...

YW. Sipag mo kasi mag comment kaya pabalik-balik na rin ako dito at interesting din mga posts mo. I added you na rin pero bakit hindi madetect ang time of post mo.

Popular Posts

Archive