Friday, November 20, 2009

Tsk Tsk Tsk

Kulot noo. Salubong na kilay. Iiling-iling na ulo.

DISMAYADO! Yun na.

Scene 1
Signal No. 2
Malakas ang ulan at hangin.
Flash Report: Elementary and High School walang pasok sa buong Metro Manila
College student: San yung College?

Scene 2Signal No. 2
Pumasok ang college student sa eskwela.
Sinuong ang traffic at baha.
Pagdating sa school.
Mr. Nathaniel Cruz: Nasa ilalim na po ng Signal No. 3 ang buong Metro Manila.
Sa wakas, narating na rin ng estudyante ang gate ng eskwela.
Basang sisiw. Haggard.
Guard: Wala na pong pasok.

Scene 3Christmas Season
With 13th month pay and bonus.
HR to Contractual Employee: Regular Employee lang ang may 13th month pay pero meron din naman kayo.
Iniabot ng HR sa Contractual ang small brown envelope with a short note sa labas “Merry Christmas!”

Napalingon ang Contractual employee sa Regular employee.
He saw beautiful eyes.
Contractual opens the envelope.
Counts 3 crispy bills: One P500 and Two P100.
Envious Grin.
Scene 4Sa mall
Napagod at ginutom ang isang shopper.
Pumasok sa isang resto.
Waiter: Ma’am here’s our menu.
Customer: Ano kayang masarap dito? Ah eto na lang mukhang kakaiba.
Waiter: Ma’am can I take your order?
Customer: Oo, bigyan mo nga ako ng isang pansit buko at isang Coke.
Waiter: Ma’am you ordered pansit buko and one Coke. Ma’am would you like to add blah blah blah…
Customer: Hindi na. Thanks.
Waiter: Ok, ma’am. Your order will be served in 10 minutes.
Customer: Ok, thanks.
After 10 minutes.
Waiter: Ma’am, here’s your order pansit buko and one Coke.
Bahagyang napangiti ang customer na may halong hinanakit sa dibdib.
Ang pansit na dapat ay nasa plato napunta sa buko.
Ang creative no?!

Scene 5
Sa ordinary bus.
Punuan ngunit mapalad na nakakuha ng pwesto ang bagong pasahero ng bumaba ang isang patpating mama.
Umupo ang pasahero.
Kalahati na lang ng pwet nya ang nakaupo.
Liningon ang katabi at sinabi.
Pasaherong kalahating pwet lang ang nakaupo: Pwede pong pausod ng kaunti.
Katabing pasahero: Wala ng iuusod eh.
Nagtsaga na lang ang pasahero kesa naman tumayo dahil magipit 100 kilometro pa ang byahe.
Makalipas ang ilang minuto may biglang tumayong pasahero.
Tumayo si Pasaherong kalahating pwet lang ang nakaupo at dali-daling tumindig sa tabi ng malapit ng mabakanteng upuan.
Pasaherong nakatindig na: Yes, makakaupo na rin ako ng maayos (Pabulong sa sarili na punong puno ng excitement)
Napalingon si isang pasahero.
Nakita ang malapit ng mabakanteng upuan.
Kahit halata namang may nagaabang na tila ba deadma lang at dali-daling tumindig din sa malapit ng mabakanteng upuan.
Lumakad na ang bababang pasahero patungong estribo.
Shoot agad ang pwet ni ikatlong pasahero.
Abay talaga namang alerto at tuso.
Pasahero nakatindig pa rin: Nauna ako ah!!! (Pabulong. Nagtitimpi).
Lumingon sya sa dating kinauupuan.
Tinaas ang braso.
Kumapit ng mahigpit.
100 kph ang speed.

Scene 6
Naglalakad sa mall.
May lumapit na naka dark green na pants and white long sleeve with black necktie.
Man in dark green pants and white long sleeve with black necktie: Ma’am may credit card po kayo?
Naglalakad sa mall: Meron, bakit?
Man in dark green pants and white long sleeve with black necktie: Ma’am congratulations po qualitfied po kayo sa aming promo.
Naglalakad sa mall: Ah talaga, anong promo yan?
Dadalhin sa gilid ang naglalakad sa mall at tsitsikahin…
Man in dark green pants and white long sleeve with black necktie: …Oo ma’am saglit lang to. 15 minutes lang po. Punta po tayo sa 5th floor sa office namin. Dun po kayo bubunot ng mapapanalunan nyo.
Tila ba nahypnotize ang naglalakad sa mall. Sumama eto nang may halong tuwa at kaba.
Pagdating sa main office.
The manager comes in…
After 2 hours…
Bumalik ang man in dark green pants and white long sleeve with black necktie.
Man in dark green pants and white long sleeve with black necktie: Ma’am eto po ang napanalunan nyo.
Inaabot ang dark green na payong na konti na lang ay kasing laki na ng ginagamit ng mga nagtitinda sa bangketa.
Man in dark green pants and white polo with black necktie: (With big smile on his face) Ma’am, Congratulations po!
Lumabas ng pinto ang nanalo ng dark green na payong.
Now with a pale complexion.

Kulot noo. Salubong na kilay. Iiling-iling na ulo.

DISMAYADO! Yun na.


May gusto kang idagdag?

Sige lang.

What’s your Tsk Tsk Tsk?


Photo courtesy of pennwellblogs.com

3 Speak:

RedLan said...

Natawa ako bigla sa scene 3. lol

Yung scene 6 nakaranas ako niyan.

Bla bla. Meron ba kayong cc?
OO, sagot ko.(Baka kasi mag-offer ng bagong card)
Congratulations nanalo ka bla bla.
No, thanks (Takot ako baka ano ang i-offer)

Sa kabilang dulo ganun rin ang sumalubong
May credit card ba kayo?
Wala, sagot ko. hehehe.

anney said...

Yung # 6 nakakainis lagi ako nakakaranas ng ganyan. Di ko nga sila pinapansin.. deadma! muhahaha!

Julianne said...

korek! minsan naaawa nga ko sa kanila minsan. para silang virus. iniiwasan ng lahat.

Popular Posts

Archive