Friday, November 6, 2009

Friday Antyhing Goes - I Sat on the Passenger Seat

Sumakay ako ng tricycle. May nakita akong sticker: Basta Driver Sweet Lover.

Sumakay ako ng jeep. May nakita akong sticker: Basta Driver Sweet Lover.

Sumakay ako ng bus. May nakita akong sticker: Basta Driver Sweet Lover.

Basta Driver Sweet Lover. Sinong Henyo kaya ang nagpauso nito? Sigurado ako ginamit nya tong linya na to para makuha ang matamis na Oo ng babaeng kanyang iniirog. At sigurado rin ako na successful sya. Maghanap ka ng sample. Anong nakita mo?

Medyo madalang ko ng makita ang sticker na to. Lumang tugtugin ba. Pero sadyang nakatatak na sa isip ni Juan dela Cruz. Kung baga sa showbiz ang sticker na to ang Star for All Season dahil bukod sa pichur maganda ang rhyming.

Teka, ano nga ba ang kahulugan ng Sweet Lover? Eto ba ay nakaugnay lamang sa tinatawag na romantic love? Dubdub dubdub dubdub. Oh, well. Sana hindi naman. Sana kahit hindi romantic nandun pa din yung love - love para sa bawat pasahero, kaangkas, karelyebo, kaibigan, kapuso't kapamilya. Love na naipapakita sa pamamagitan ng maingat na pagmamaneho. Yung tipong sasakay ka sa Poingt A tapos makakarating ka sa Point B ng walang galos, buo ang katawan at higit sa lahat tumitibok ang puso. Dapat hindi rin nagtatalsikan ang mga pasahero tuwing tinatapakan ang preno; hindi nagkakaron ng instant chest pain tuwing humahataw at nagoovertake. Alalay. Smooth. Suave.

Alam nating lahat na araw-araw marami ang namamatay sa car accident. At karamihan dito ay dahil sa kapabayaan ng kung sino mang may kontrol sa manubela. Mamang driver, gusto nyo bang patuloy na humaba ang pila? Hindi lang ang iyong lulan ang maaaring magpaalam. Worst, baka masama ka sa bilang. Sige ka, that’s not sweet.


Isang araw, may pumunta sa langit na biktima ng isang car accident.
May nakita syang sticker:
The Driver was not a Sweet Lover.

4 Speak:

shengmarie said...

Haha, this is one is cool, thanks for dropping by my blog.

princess_dyanie said...

ganun ba yun, basta driver, sweet lover? hehe :P

Grace de Castro said...

bakit ako araw-araw nagdri-drive pero hindi naman sweet lover? he! he!

kg

Rej said...

@ shengmarie: your welcome. Salamat din sa pagdalaw.

@ princes_dyanie: kung usapang romantiko, ewan ko lang din.

@ Grace de Castro: ok lang yon basta alalay ka lang sa pagmamaneho ha.

Popular Posts

Archive