Nitong nakaraang Sabado lamang, February 8, 2009, ako kasama sina Jeng, Gelai, She and boyfriend RS ay nagpasyang magkitakita makalipas ang ilang buwan at dahil malapit na rin umalis si Gelai patungong Japan. Tumungo kami sa Royal Place na walking distance lang sa Ever Gotesco Commonwealth. Nung una, ayaw talaga namin dun kc di naman namin gamay ang lugar, eh etong si Gelai, mapilit kesyo di nya raw kabisado ang Trinoma. Ang ending, o sya pagbigyan na nga.
Pumunta kami sa Grilla, restaurant yun na overlooking sa animoy malaking rancho minus the horses and wooden barracks at kalsada patungo raw sa village kung saan nakatira sina Aiko Melendez, Bayani Agbayani at ilan pang artista na nakalimutan ko na kung sino. Dahil sa hindi pa nanananghalian etong si She, ayun ipinaubaya na namin ang pagorder. Animoy wala ng bukas ang dami ng pagkain na inorder nitong si She. Merong chicken curry, inihaw, sisig, isda, garlic at plain rice atbp. Pero in fairness halos naubos naman namin lahat.
Habang kumakain, sympre di mawawala ang kwentuhan. Lahat bumangka. Samu’t sari ang naging topic – may tungkol sa problemang panlipunan, mga showbiz tsismis at buhay pag-ibig ni She at RS, Gelai at Jeng. Hindi ako masyadong nalagay sa hotseat dahil wala naman talaga kasi akong maibabahagi maliban na lang sa naalala ni Gelai na naging textmate ko sa loob ng isang lingo -isang linggong pag-ibig. Hehe! Sympre, Hindi rin nawala ang pagbabalik tanaw. Sabi nga nila, kung sino ang wala yun ang napaguusapan. Sa mga di namin nakasama, huwag kayong magalala behave naman kami kc we love you so much (Cha, Shalah, Son at Grace, matouch kayo. Haha!). Eto seryoso na. Nakakatawa pala talagang balikan ang mga pinaggagagawa namin noon. Mga kalokohan nung high school days. Hay! Sobrang dami. Etong si Jeng, tila may photographic memory. Kulang na lang sabihin pati milliseconds kung kelan nangyari ang mga bagay bagay. Hehe!
Maliban sa chibog at tsismisan, sympre hindi masasabing kumpleto ang gimmick kung walang pichur-pichur. Tutal di naman kami umiinom, nagaddict talaga kami sa pichuran. Pati yung malaking manika ng gorilla na tila lounge singer, ang magandang pader na gawa sa kahoy at cashier/kitchen ng bar di namin pinatawad. Oo, ganun kami kahayok sa pichur. Dinala ko talaga yung camera ko kasi naisip ko baka matagal na bago maulit ang pagkikita kita namin tsaka sige na nga addict talaga rin ako sa pichur. Hehe! Sa kasamaang palad, makalipas ang ilang oras, tila sumuko ang kamera ko. Abay nalowbat sa kalagitnaan ng pagaaddict. Salamat sa Cybershot camera ni RS tuloy ang maliligayang oras. At buti na lang din at game etong si RS kaya keri lang ang pagiging makapal ang mukha.
Makalipas ang mahigit tatlong oras ata, napansin ng mga tauhan ng resto sa pangunguna ni Joyce (Joyce nga ba yun? Basta her name starts with the letter J. Yun na Yun) ang lagim na ginagawa namin sa loob. Sinamantala kasi namin na kami pa lang ang tao dun sa pwesto namin na overlooking. Ayun labas masok sila na tila ba sinasabing “hoy magsibayad na kayo at magsilayas na!” Pero as usual sa simula dedma ang mga lola kasi kasalukuyan pa kaming nagkakasiyan sa pichur-pichur. Nung nagbayad na kami, abay di agad kami umalis, ganun kami ka kulet and lufet. Nagtext din si Marie nung mga oras na iyon. Ayun, konting kamustahan lang at ininggit sya ng konti.
Halos malapit ng lumubog si haring araw ng maisipan namin iwanan ang Grilla. Lumipat kami sa Figaro na ilang hakbang lang din ang layo sa pinanggalingan namin. Una naming pinasok yung ice cream parlor. eh dahil sa hindi pwede yung taas nila at tsaka mainit, lumabas kami. Kaya yun, napadpad kami sa Figaro. Kala nyo ba natapos na sa Gorilla yung pichuran namin, abay mga brothers and sisters, jan kayo nagkakamali. Saksi ang tatlong mocha at isang frosty at coffee and blueberry cheesecake ni She sa continuation ng aming gimmick. Buti na lang at wala masyadong tao kung kaya’t naipagpatuloy namin ang kwentuhan at pichuran. Pero infairness medyo finesse naman kami dito.
Magaalas-mwebe na ng gabi nung nagpasya kaming lisanin ang Royal Place. Natapos ang lahat, sa pagpapakilala ni Gelai ng kanyang hubby na si Allan (Shocks! Allan nga ba. Haha!). Tapos nun naghiwahiwalay na kami nung sumakay na rin sina She at RS ng jeep patungong SM Fairview. Kami naman ni Jeng ay sumakay sa jeep na nasakyan din nila ni She papuntang McDO, ang meeting place, at tumungo sa Novaliches bayan.
At dito po nagtatapos ang mahaba habang kwentuhan. Ipopost ko ang iba pang larawan pag naipadala na ni She yung pix namin sa camera ni RS. Hanggang sa muli nating pagkikita-kita. Kwentuhan at pichuran uli tayo! :p

0 Speak:
Post a Comment